LOGINKUNOT ang noo ni Jack habang nakatitig sa screen ng cellphone. May nagpadala ng message sa kaniya, ngunit hindi 'yon naka-register sa phone niya. Imposibleng si Brenda yun, dahil naka-save na sa phone niya ang number nito at siya rin ang nagbigay ng cellphone sa dalaga. Nang akmang ida-dial na niya ay biglang tinawag siya ni Drake. "Dude, let's take a picture!" nakangiting aya nito sa kaniya. Pero may kakaiba siyang napansin sa ngiti nito. Hindi niya mawari kung ano 'yon. "Oo nga po, Tito Jack," segunda ni Avi. Napilitan na siyang pumunta sa gilid ng bed. Si Tyron na kararating lang ay nasa gilid na rin. Kumpleto sila, pero kulang, at yun ay ang tunay na Aedam. "One..." "Two..." "Three..." "Smile!" Lahat ay nakangiti, lalo na ang mag-asawa. Pero, paano kung lumabas ang katotohanang hindi ang kasama nila ang tunay na Aedam, makakangiti pa kaya si Meadow? Bahagyang nanginig si Jack. Parang gusto na niyang pasabugin ang ulo ni Rex. Pero kapag ginawa niya yun, tiyak
IBINABA ni Aedam ang phone. Katatapos lang siyang kausapin ni Drake, ipinaalam nitong huwag tumawag o mag-message kay Meadow dahil nandoon si Rex. Balak pa naman sana niyang tawagan ang asawa. "Maaasahan ka talaga, Drake," aniya at saka'y tumitig sa tanawin. Tanaw niya ang nagtataasang gusali sa labas, at sa pinakadulo, nakatayo roon ang pamilyar na gusali sa kaniya. Ang gusaling ilang taon niyang pinalago... ang CromX. Ilang milya na lang ang aghwat nito sa kaniya, pero hindi pa niya magawang puntahan. "Pero..." Napaisp siya. "Di ba wala roon si Rex? Baka puwede akong pumunta." "Hindi puwede, Sir," tugon ng taong nasa likuran niya. Agad siyang lumingon. Si Danica. Matalim ang titig nito sa kaniya. "Just kidding. I know naman na may mga mata si Rex doon, at tiyak na mayroon din sa mansyon," pahayag niya na sinabayan ng pag-upo sa sofa. Hindi ito sumagot, sa halip ay dumiretso sa kitchen. Lihim siyang napangiti. Para itong bodyguard niya. Nang mapagsolo ay muling lumipad ang
ILANG minuto nang napapansin ni Jack, na tila hindi mapakali si Meadow. Naging balisa ang kilos nito simula nang pumasok ang tatlo. Masyadong pilit ang ngiti, at higit sa lahat ay ilang beses na nitong sinusulyapan ang cellphone na nakapatong sa mesa. Kabisado na niya ang babae. Alam niya kung kailan ito nagsisinungaling, kung kailan ito kinakabahan, at kung kailan may problemang ayaw nitong sabihin kahit kanino. Ramdam niyang may itinatago ito. May something na dapat niyang malaman.Nang tawagan ni Zues si Drake mas lalong naghinala siya. Lumiwanag ang mukha nito, na para bang nasolusyunan ang mabigat na porblema. Nagkaroon na siya ng idea. "Hindi kaya, may alam si Meadow tungkol kay Aedam?" naitanong ng isipan niya. Bumaling ang paningin niya kay Rex, ang mukha nito'y kay Aedam. Malaya niyang pinagmasdan ang lalaki at mas nakumpirma niyang hindi nga ito ang kaibigan nila. Naalala niya, mas matangkad si Aedam sa kaniya, ngunit ngayon, halos magpantay na sila. Imposible namang magi
"MOMMY, look po, Tito Jack is here!" Mariing pumikit si Meadow, halos pumalirit na ang anak niyang si Avi. Kasalukuyan siyang nagbi-breastfeed kay Railey nang pumasok si Jack, at tiyak na bibisita si Zues at Kent. "Nak, huwag kang maingay," pabulong niyang sabi sa anak."Sorry po, mommy," pabulong ding tugon nito. Natatawang tinakpan pa nito ang bibig. Kita niya sa mata ng panganay na anak ang labis na kaligayahan. Mabilis itong lumapit kay Jack at agad na hinawakan ang kamay nito. "Tito Jack, akala ko po hindi na kayo pupunta." Napangiti si Jack. Yumuko ito para buhatin si Avi."Of course pupunta ako. Miss na miss ka na ni Tito. You're so heavy na. Nagda-diet ka na ba?" pabirong saad nito. "Tito naman e.""Sabi mo magda-diet ka, 'di ba? One cup of rice lang dapat at piece of fried chicken from Jollibee." Itinaas nito ang dalang plastic, mula roon ay kinuha ang nais ibigay sa bata."Wow!" Nanlaki ang mata ni Avi. "Mommy, look!" Ipinakita nito kay Meadow ang bigay ni Jack. "Gany
CONFIRMED!Nasambit ng isipan ni Jack habang nakatitig kay Brenda. Posibleng totoo ang sinabi ng dalagang hindi nga si Aedam ang kausap niya. Gusto pa sana niyang magtanong, ngunit tiyak na makakahalata na ang kausap niya."Hello, dude, are you still there?" naitanong niya sa kabilang linya."Ha? Ahm, yes. Sorry, ano nga ang tanong mo. Nag-inat kasi itong bunso ko, kaya hindi ko masyadong naintindihan," tugon ng nasa kabilang linya, sinundan ng mahinang pagtawa.Alam niyang nagsinungaling ito. Muli siyang napatitig kay Brenda. Bakas sa mukha na kinakabahan ito."Nothing, dude. Kalimutan mo na 'yon. Anyway, congratulations sa inyo ni Meadow. Pupunta ako kapag may time ako," pahayag na lang niya."Sure. See you.""See you, dude."Pinatay na niya ang tawag, at saka'y marahas na napahinga."What did he say?"Hindi niya sinagot ang tanong ni Brenda, ibang kataga ang lumabas sa bibig niya. "Hindi nga siya si Aedam."Kahit nanggaling sa babaeng kaharap niya ang impormasyon, kita pa rin niya
MATULIN ang pagpapatakbo ni Jack sa sasakyan, ang isipan ay okupado ng mga rebelasyong isiniwalat ni Brenda. May pagdadalawang-isip siyang nararamdaman, pero may punto ito. May ilang pagbabago siyang napansin matapos maoperahan si Aedam, tulad ng boses nito. Ang mga kilos nitong hindi pamilyar. "Saan tayo pupunta?" Bumalik ang isipan niya sa reyalidad nang magsalita ang kaniyang katabi... si Brenda. Kung totoo man o hindi ang sinasabi nito, hindi niya ito dapat paalisin at mas lalong hindi niya hahayaang muli itong tumakas. Alagad siya ng batas, kahit pa may isiniwalat ito."Sa safe house," aniya, saka'y huminga ng malalim. "Kung totoo ang sinasabi mo, nanganganib ang buhay mo sa kaniya. Pero hindi ibig sabihin na naniniwala na ako sa sinabi mo. Malaki ang nagawa mong kasalanan sa batas at sa pinsan mo, kaya hindi mo maiialis sa akin ang magduda," pahayag niya rito. "Alam ko," tugon nito. "At huwag kang mag-alala, matapos lang ito, muli akong babalik sa kulungan. Kailangan ko lang
"SH*T!" Hindi napigil ni Tyron ang magmura. Katatapos lang siyang kausapin ni Mr. Ramon Hidalgo, ang anak ng may-ari ng lupang binili ng CromX. Ibinalita nitong pabalik na si Aedam, at alam niya 'yon dahil naunang mag-chat ang kaibigan niya. Subalit, may malaking problema. Maging ang asawa ng bunso
SA clinic ng kakilalang doktor ang unang pinuntahan ni Aedam nang marating ang siyudad. Kailangang makuhanan si Daphne ng medical examination para sa pambubugbog ng asawa. Lahat ng test ay sumailalim ito. Hindi na niya pinag-aksayahang buhayin ang kaniyang cellphone, para hindi sila makontak ni Rod
BAKAS ang sugat sa mukha dulot ng pananakit ng asawa kay Daphne. Nakaharap siya ngayon sa maliit na salamin at malayang nakatunghay sa sarili. Paulit-ulit na hinaplos niya ang parteng may kulay ube. Hindi sapat ang inilagay na yelo para mawala ang pasa sa kaniyang pisngi. Ilang araw na naman ang bu
KASAMA ang magkapatid na Ramon at Rodolfo, nilibot ni Aedam ang buong lupain. Malawak nga iyon, at ang malaking bahagi ay nakaharap sa kanayunan. Marami silang napag-usapan. Mataas na ang araw nang makabalik sila sa bahay ng Hidalgo. Dumiretso agad siya sa silid, balak niyang maligo. Pakiramdam niy







