LOGINMATULIN ang pagpapatakbo ni Jack sa sasakyan, ang isipan ay okupado ng mga rebelasyong isiniwalat ni Brenda. May pagdadalawang-isip siyang nararamdaman, pero may punto ito. May ilang pagbabago siyang napansin matapos maoperahan si Aedam, tulad ng boses nito. Ang mga kilos nitong hindi pamilyar. "Saan tayo pupunta?" Bumalik ang isipan niya sa reyalidad nang magsalita ang kaniyang katabi... si Brenda. Kung totoo man o hindi ang sinasabi nito, hindi niya ito dapat paalisin at mas lalong hindi niya hahayaang muli itong tumakas. Alagad siya ng batas, kahit pa may isiniwalat ito."Sa safe house," aniya, saka'y huminga ng malalim. "Kung totoo ang sinasabi mo, nanganganib ang buhay mo sa kaniya. Pero hindi ibig sabihin na naniniwala na ako sa sinabi mo. Malaki ang nagawa mong kasalanan sa batas at sa pinsan mo, kaya hindi mo maiialis sa akin ang magduda," pahayag niya rito. "Alam ko," tugon nito. "At huwag kang mag-alala, matapos lang ito, muli akong babalik sa kulungan. Kailangan ko lang
SA isang madilim na eskinita ilang kilometro ang layo mula sa mansyon ng mga Cromwell, matagal na nakakubli ang isang tao. Tila ba'y may inaabangan. Ilang beses na sumilip sa mansyon at muling magkukubli. Mahigpit na hinila ni Brenda ang suot niyang jacket upang matakpan ang kaniyang mukha. Mabilis siyang naglakad habang panay ang lingon sa kaniyang likuran. Tumakas siya sa kulungan dahil may misyon siya at yun ay ilantad ang katotohanang hindi si Rex ang kasama ni Meadow. Mula sa pinagkukublihan, natanaw niyang bumukas ang mataas na gate ng mansyon. May lumabas na sasakyan. Hindi niya kilala, pero nakasisigurado siyang hindi si Rex yun. Alam niyang kanina pa umalis ang huli, nakita niya. Ganoon pa man ay hindi siya maaaring basta na lang magpakita, dahil tiyak na ibabalik siya sa kulungan. Ilang oras pa siyang naghintay. Kahit pinapawisan, kahit nagugutom ay hindi siya umaalis, tanging tubig lang ang nasa palad niya. May isang kotse ang dumating. Sa labas ng gate iyon huminto. Hin
HINDI mapakali si Aedam. Iniisip niya ang kalagayan ng kaniyang mag-iina. Paulit-ulit niyang tinitingnan ang kaniyang cellphone, umaasang may matatanggap na mensahe mula kay Meadow, ngunit wala. Marahil ay nasa tabi nito si Rex, ang lalaking nagpapaganggap na siya. Napabuntong-hininga siya at napasandal sa kaniyang kinauupuan."Meadow…"Hindi niya maiwasang mangamba. Katatapos lamang nitong manganak. Alam niyang kailangan siya ng kaniyang asawa, lalo na ngayon na hindi pa rin maayos ang lahat ng nangyari, at higit sa lahat, iniisip niya si Avi. Ang anak niyang anim na taong gulang ay tiyak na naghahanap sa kaniya.Muli siyang napabuntong-hininga siya. Kung maaari lamang, gusto na niyang puntahan ang mga ito. Ngunit may mga bagay pa siyang kailangang ayusin bago siya makaalis. At hindi pa ito ang tamang oras. Kailangan niyang pagplanuhan ang paglantad, dahil kung hindi, mauuwi sa wala ang lahat at baka'y ikapahamak pa ng kaniyang pamilya.Tumayo siya't lumapit sa glass window. Mula sa
NAGISING si Meadow sa matinis na boses. Dahan-dahan niyang iminulat ang mata. Si Avi. Nakikipag-argumento ito sa lalaking kaharap. Napaawang ang bibig niya, hindi sa nakikitang mukha ng lalaki, kundi sa mga sinasabi ng kaniyang anak. "Pero, bakit hindi po siya nagpaalam? Sabi niya hihintayin niya ang paggising ko." Base sa nakikita niya'y parang iiyak na ang kaniyang anak. Marahas pang ipinadyak ang paa. Muli niyang ipinikit ang mata at saka'y hinilot ang sentido. "Drake, bakit ka nangako sa batang ito?" salitang lumabas sa bibig niya. "Daddy..." Umatungal na ito. Ayaw magpatalo. Kahit anong paliwanag ng lalaking kaharap. "Anak, may importante kasing gagawin pa si Tito Drake. But he promised, babalik siya." "Isa pa 'to!" bulong ng isipan niya. "Walang ipinangako si Drake. Hay naku, Rex!" Maagap niyang tinakpan ang bibig. Mabuti na lang, sa isipan lang niya lumabas ang nga katagang yun. Tiyak na mabubulilyaso sila. "But he promised--" "Aviana Pearl Zamonte Cr
MAAGAP na pinigilan ni Meadow ang tensyon sa kaniyang dibdib. Huminga ng malalim at sinalubong ng tingin ang mukha ng asawa. "Baby...""S-sweetheart." Halos hindi niya maibuka ang bibig nang makita ang lalaking ilang sandali lamang ang nakalipas ay kinamumuhian niya nang buong puso. Humahakbang papalapit ito sa kaniya, at bawat hakbang ay lalong bumibilis ang tibok ng puso niya. "How's your feeling?" tanong nito at hinagkan siya sa noo. Saglit na gumuhit ang matinding galit at pagkasuklam sa mata niya. Siguro kung hindi pa niya alam ang katotohanan ay tiyak na kikiligin siya sa ginawa nito. "Is everything okay?"Napakislot siya sa tanong nito. Tumango siya at pilit na ngumiti. "Of course, sweetheart. M-may iniisip lang ako."Matagal siyang tinitigan ni Rex. Parang inaarok ang buo niyang pagkatao. Sa unang pagkakataon, hindi niya nakikita ang Aedam na nakasanayan niyang pakitunguhan. Nakikita niya ang lalaking matagal niyang pinagkatiwalaan, ngunit niloko lang siya-- si Rex. Ang la
PILIT na pinakakalma ni Meadow ang sarili. Katatapos lamang niyang kausapin ang tunay na asawa. Sa maikling oras na nagkausap sila, ipinaliwanag nito kung ano ang nangyari sa aksidente at kung sino ba talaga ang kasama nilang mag-ina ngayon. Si Rex... Ang lalaking pinagkatiwalaan niya noon at ngayon ay nasira dahil sa ginawa nito. Kaya pala, may similarity ang ikinikilos ng inaakala niyang Aedam kay Rex. Kaya pala may kakaiba siyang kutob. "Tama pala 'yon," anas ng isipan niya. Pinahid niya ang panghuling luhang dumaloy sa magkabilang pisngi niya at hindi na muli pang hinayaang bumalong. Magkahalong takot at tuwa ang nararamdaman niya kaya siya lumuluha ngayon. "At galit na rin..." Sukdulan hanggang langit ang galit niya kay Rex. Papaano nito nagawa ang bagay na 'yon? Nakuha pa nitong ilagay sa mental hospital ang kaniyang asawa at kinuha ang pagkatao nito. Dapat ito ang ilagay sa mental hospital! Napasulyap siya kay Drake. Naririnig niya ang tunog ng phone nito. Si Rex ang tu
ISANG mahabang mesa ang bumungad sa paningin ni Aedam. Puno ng pagkain. Kaniya-kaniya nang upo ang mga ito. Si Ramon ang nasa sentro, nasa kaliwa nito ang asawa at nasa kanang bahagi si Rodolfo, katabi nito ang babae at ang sinasabing anak. "Maupo ka na, Aedam. Pagdamutan mo na lamang ang aming n
MAY bahagi ng puso ni Aeda ang umapela na may asawa na si Meadow. Ang isiping may ibang pamilya na ito ay parang hindi niya kakayanin. Nanghihina ang tuhod niya. Parang may sumasakal sa kaniyang puso. Pero kung si Meadow nga ito, imposibleng anak nito si Jun-jun, dahil two years pa lang itong nawal
HINDI mapakali si Aedam. Nasa loob na siya ng silid na pagpapahingahan. Katatapos lang iyong linisan, mukhang kalalagay din lang cover. Katulad ng sinabi ni Ramon, magkaharap ang ang dalawang silid. May dalawa pang silid sa bandang dulo ng kanang bahagi ng bahay pero mga gamit ang nakalagay doon.
"DADDY!"Sinulyapan ni Aedam ang anak. Patakbo itong lumalapit sa kaniya. Nakabuka ang dalawang braso. Dahil doon ay nagsi-arkuhan ang kilay niya. Ilang beses na niyang pinagsasabihan ang anak na huwag tumakbo kung 'di naman kailangan, pero ayaw siyang pakinggan. Naglalakad siya sa lobby area ng Cr







