SALUBONG ang kilay ni Drake habang matiyagang pinagmamasdan ang lalaking walang malay na nakahiga. Nirerebesa ang mukha ng lalaki, pero hindi makilala dahil may balot ang mukha nito. Tanging ang nakalapat na mata lamang ang nasisilayan niya. At habang pinagmamasdan ay kumakabog-kabog ang dibdib niya, hindi mawari kung bakit, magkagayun pa man ay pilit niyang inaalala kung saan ito nakita o nakasalamuha para pag-initeresan ni Aedam. "Who are you?" Wala siyang matandaan na may ibang kapamilya si Aedam, kung merun man, yun ay naninirahan na sa ibang bansa. "Miss, puwedeng mag-stay ako rito hanggang sa magising siya. I-i just wanna know him." "Hindi po puwede, Sir. Mapapagalitan po ako ng management. Isa pa po, delikado po ang pag-stay niyo rito." Bahagyang kumunot ang kaniyang noo. "Papaanong naging delikado?" "Nagwawala po kasi ang pasyente, Sir. Nasa antas pa siya ng hallucination, kung anu-ano ang sinasabi. Baka mapahamak ka lang po 'pag nag-stay ka rito." Igigiit pa
Read more