"LOVE..." "Hmmm, what is it, baby?" "Gusto ko ng balot?" Kahit may kadiliman ay pansin niya ang pagsalubong ng kilay ng asawa. "Baby, saan ako kukuha ng balot?" Tumayo siya't pinamaywangan ito. "Sa tindahan! Alangan namang sa sementeryo ka bumili!" Umikot ang itim ng mata niya. "Baby, nakalimutan mo na b--" "Nagrereklamo ka?" Tumaas pa ang isa niyang kilay. "Baby, naman kasi..." maktol nito. Busangot na ang mukha. "It's your fault naman kaya ako naglilihi, hindi ba? Binuntis mo ako, kaya dapat lang na ibigay mo ang gusto kong kainin!" Nabubuhay na ang inis sa katawan niya dahil sa asawa. "Napakareklamador mo!" "Baby," tumayo na rin ito't binuhay ang ilaw ng lampshade. "Saan nga kasi ako kukuha ng balot sa Barcelona?" Oo nga naman, Meadow! Natigilan siya, hanggang sa unti-unting humupa ang inis at bumababa ang paghinga. Tinamaan ka ng magaling, Meadow! Lihim niyang pinagalitan ang sarili. Saan nga sila kukuha ng balot sa Barcelona? Nandoon sila for vacation. Ang kanila
Terakhir Diperbarui : 2025-05-28 Baca selengkapnya