Elara"Huwag kang masyadong malikot kapag nasa mall na tayo, Paulo. Kapag maglikot ka ay hindi ko bibilhin ang toy robot na gusto mo" paalala ko sa anak ko habang nasa loob pa kami ng kotse ni George. Papunta kami sa mall dahil gusto ng anak ko na mag-bonding kami.Magmula kasi nang maging personal assistant din ako ni Alexander ay umikli ang time ko para sa anak ko. Nakakainis kasi si Alexander. Hindi ko alam kung sinasadya ba nito na mag-utos sa akin ng kung ano-ano para late akong makauwi sa bahay. Madalas pag-uwi ko ay tulog na tuloy ang anak ko. "Don't worry, Mom. Magbi-behave po ako. Basta bilhin niyo ang toy robot na ipinakita ko sa'yo kanina," nakangiting pangako ni Paulo.Marahang ginulo ko ang buhok ng anak ko at tumango sa kanya.Nayakap ko si Paulo nang bigla na lamang nagpreno si George na siyang nagmamaneho ng kotse. Mabuti na lang at talagang nasa tabi ko lang ang anak ko kaya madali ko siyang nahila para yakapin at protektahan."What happened, George? Bakit bigla kang
Baca selengkapnya