Nagsalita ito ng walang kahit anong kakaibang ekspresyon bukod na normal na kilos nito."Akala mo ba hahayaan kita at siya ang aasikasuhin ko? Ganon ba ako kasama, Eva?" Mainit na tinitigan ni Lyxus ang dalaga"Hindi ba, yun ang lagi mong ginagawa dati?" Kalmadong tanong ni Eva"Pero iba yung ngayon, nasa pagitan ng buhay at kamatayan na. Kahit pa gago ako, hindi kita kayang balewalain." Sagot ni Lyxus at binalot na ni Eva ng gauze ang sugat ng bibataMay hindi maipaliwanag na pait ang makikita sa gilid ng labi ng dalaga."Ganon ba? Diyan yata tayo nagkakamali." Sabat ng dalaga makalipas ang ilang segundoSa mga katagang iyon ay hindi na nakapagsalita pa si Lyxus."Eva, kahit na anong mangyari sa susunod na mga araw at taon, hinding-hindi kita papabayaan, maniwala ka sakin." Mahinahon ang boses ng binata at hinawakan ang braso ni EvaMahina namang natawa si Eva, bakas na bakas sa mata nito na hindi siya naniniwala sa sinasabi ng binata dahil kung gaano niya ito pinagkatiwalaan dati,
Last Updated : 2025-08-02 Read more