Share

Chapter 72

last update Last Updated: 2025-08-02 23:36:23

Nagsalita ito ng walang kahit anong kakaibang ekspresyon bukod na normal na kilos nito.

"Akala mo ba hahayaan kita at siya ang aasikasuhin ko? Ganon ba ako kasama, Eva?" Mainit na tinitigan ni Lyxus ang dalaga

"Hindi ba, yun ang lagi mong ginagawa dati?" Kalmadong tanong ni Eva

"Pero iba yung ngayon, nasa pagitan ng buhay at kamatayan na. Kahit pa gago ako, hindi kita kayang balewalain." Sagot ni Lyxus at binalot na ni Eva ng gauze ang sugat ng bibata

May hindi maipaliwanag na pait ang makikita sa gilid ng labi ng dalaga.

"Ganon ba? Diyan yata tayo nagkakamali." Sabat ng dalaga makalipas ang ilang segundo

Sa mga katagang iyon ay hindi na nakapagsalita pa si Lyxus.

"Eva, kahit na anong mangyari sa susunod na mga araw at taon, hinding-hindi kita papabayaan, maniwala ka sakin." Mahinahon ang boses ng binata at hinawakan ang braso ni Eva

Mahina namang natawa si Eva, bakas na bakas sa mata nito na hindi siya naniniwala sa sinasabi ng binata dahil kung gaano niya ito pinagkatiwalaan dati,
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Her Contract with Her Boss   Chapter 72

    Nagsalita ito ng walang kahit anong kakaibang ekspresyon bukod na normal na kilos nito."Akala mo ba hahayaan kita at siya ang aasikasuhin ko? Ganon ba ako kasama, Eva?" Mainit na tinitigan ni Lyxus ang dalaga"Hindi ba, yun ang lagi mong ginagawa dati?" Kalmadong tanong ni Eva"Pero iba yung ngayon, nasa pagitan ng buhay at kamatayan na. Kahit pa gago ako, hindi kita kayang balewalain." Sagot ni Lyxus at binalot na ni Eva ng gauze ang sugat ng bibataMay hindi maipaliwanag na pait ang makikita sa gilid ng labi ng dalaga."Ganon ba? Diyan yata tayo nagkakamali." Sabat ng dalaga makalipas ang ilang segundoSa mga katagang iyon ay hindi na nakapagsalita pa si Lyxus."Eva, kahit na anong mangyari sa susunod na mga araw at taon, hinding-hindi kita papabayaan, maniwala ka sakin." Mahinahon ang boses ng binata at hinawakan ang braso ni EvaMahina namang natawa si Eva, bakas na bakas sa mata nito na hindi siya naniniwala sa sinasabi ng binata dahil kung gaano niya ito pinagkatiwalaan dati,

  • Her Contract with Her Boss   Chapter 71

    Nang magising si Eva, napagtanto niya na nasa isang abandonadong pabrika siya. Ang mga kamay at paa ay nakatali, habang ang bibig niya ay natatakpan ng tape.May dalawang kalalakihan ang nakaupo hindi kalayuan sa kanya at parehas itong balot na balot simula ulo hanggang paa kaya hindi makita ng dalaga ang mga itsura nito. Tsaka lamang naintindihan ni Eva na nakidnapped na siya.Sa isip-isip ni Eva, 'Kailangan ko manatiling kalmado at humanap ng paraan para makatawag ng pulis.'Sakto naman, nakita niya ang isa sa mga kidnapper na kinuha ang telepono niya at may pinindot doon.Sumikip bigla ang dibdib ni Eva. Isang tunog ng mahinang 'hindi' ang lumabas sa bibig ng dalaga.Natatakot siya na tatawagan ng mga kumidnap sa kanya ang ama niya at kung mabalitaan nito ang pagkidnap sa kanya, ang puso nito, na kaunti palamang ang ginagaling ay paniguradong hindi kakayanin pag narinig ang balita.Nang sinubukan niyang kumawala para makatakas, narinig niya ang mababa at malalim na boses ni Lyxus

  • Her Contract with Her Boss   Chapter 70

    Kumunot ang noo ni Eva sa nadinig."Kung sino man ang nobya niya, wala na akong kinalaman dun. Matagal na kaming hiwalay.""Ipapadala ko sayo yung video para makita mo pero ipapaalala ko lang ah, hindi ka pwede magpauto ulit sa kanya."Nang matanggap ni Eva ang video, kaagad niya yon pinanood.Si Lyxus na nakasuot ng itim na suit ay nakaupo sa upuan nito mismo sa opisina habang iniinterview at ang unang bahagi ng interview ay tungkol sa economic development. Nang malapit nang matapos ang interview ay tsaka na nag-iba ng topic ang host."Marami pong tao ang nag-aalala sa ulo niyo po Mr. Villanueva, maaari po ba kayo magkwento kung anong nangyari dyan?""Ginalit ko ang nobya ko, kaya ayon, nahampas niya ako ng malakas." Kalmadong nakatingin si Lyxus sa camera"Mr. Villanueva, maaari po bang bigyan niyo po kami ng clue kung sino ang tinutukoy niyo?" Masayang tanong kaagad ng hostMay liwanag sa mga mata ng binata at napangiti ito ng mahina."Hindi ko pa siya nababawi ulit, kaya hindi ko

  • Her Contract with Her Boss   Chapter 69

    Napatigil ang daliri ni Eva sa pagpindot ng end button at nakaramdam siya ng sakit sa mga oras na yon.Sa isip-isip ni Eva, 'Kung sana sinabi mo yan bago tayo naghiwalay, baka umiyak ako sa tuwa.'Bumalik sa isipan ni Eva ang mga araw na mahal na mahal pa niya ang binata at tanging ito lang ang gusto niyang makasama, wala nang iba. Siya pa mismo ang nagkusa na magpropose dito para lang makalimutan ni Lyxus ang takot niya sa kasal, na kahit ang singsing na pinasadya ni Eva ay siya mismo ang magdesenyo.Subalit hindi niya inaasahan na lahat ng pagsisikap niya ay susuklian lang ni Lyxus ng salitang, 'Isang laro lamang ito sa pagitan natin na tanging katawan lang ang kasali at hindi ang puso.'Hinding-hindi niya rin makakalimutan ang audio recording na ipinarinig sa korte at ang pagkakasabi ni Lyxus na isa lamang siyang canary na laruan nito. Pakiramdam niya, ang kahalagahan niya bilang babae at ang pagmamahal niya ay walang awang tinapak-tapakan lang ng binata."Mr. Villanueva, kailangan

  • Her Contract with Her Boss   Chapter 68

    Alas nuebe ng umaga sa opisina ng kompanya ng mga Villanueva.Nakahanda na lahat ng ilaw at mga camera pati ang mga host na magtatanong."Mr. Villanueva, gusto mo ba magsuot ng sumbrero at magpalagay ng makeup? Mas magiging maganda iyon sa harap ng camera." Tanong ng hostNang marinig ito, malamig na tinignan ni Lyxus ang nagtanong."Sa tingin mo, pangit ako?""Hindi naman po, ikaw na nga ang pinakagwapo sa lungsod natin pero yung gauze po na nasa ulo niyo, medyo agaw eksena po. Ang alam ko po kase, ang tema natin ay tungkol sa ekonomiya matapos ang pandemya at sa itsura niyo po, mukhang kakaligtas niyo palang po mula sa isang sakuna." Pinagpawisan ang host ng malamig"Pinilit akong magtrabaho para sa financial recovery ng kompanya namin, na naging dahilan para mawalan ako ng oras sa nobya ko, kaya eto nahampas niya ako. May problema ba don?"Ang lahat ng tauhan na nandoon ay nagulat na para bang nakadinig ng isang pasabog na balita.Sa isip-isip ng mga tao doon, 'May nobya ang CEO n

  • Her Contract with Her Boss   Chapter 67

    Kaagad na nakuha ni Eva kung ano ang ibig sabihin ni Lyxus na libangin siya."Ano bang binabalak mo, Lyxus? Bitawan mo nga ako!" Hinampas niya ng malakas ang binata sa dibdibAng mabilis na paghinga ni Lyxus ay mas lalo pang bumilis habang nakayakap siyang muli kay Eva at naaamoy niya ang pabango ng dalaga. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya. Binalewala niya ang karayom na nakakabit sa likod ng kamay niya na natatamaan ni Eva at yumuko para angkinin ang labi ng dalaga.Nang magdidikit na ang labi ng dalawa, nakaramdam ng matinding hiya si Eva nang maisip niya ang malinaw na pagkakasabi ng binata sa kanya na ayaw na nito sa kanya at hindi nito kailanman minahal siya.Sa isip-isip ni Eva, "Bakit ba kapit na kapit ka padin sakin?"Gusto ni Eva na umiwas at sa sobrang desperasyon na makawala, kinuha niya ang baso na nasa tabi ng hospital bed at ipinukpok iyon sa ulo ng binata.Si Eva na kasing lambot ng kuting ay napalakas ang hampas sa ulo ni Lyxus ni Lyxus, dahilan para may lumabas na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status