Four Months Ago.Kateryna's POVNakatingin ako sa kumpol ng mga papel na nakapatong ngayon sa ibabaw ng mesa ko. Nitong mga nakaraan kasi ay pinalilipas ko ang oras ko sa pagtatrabaho rito sa loob ng kompanya.Hindi na rin kasi ako pinapayagan ni Everett na pumunta kung saan dahil kabuwanan ko na at ano mang oras ay maaari na akong manganak."Aww," untag ko nang tumayo ako para ilagay ang folder na naglalaman ng list ng mga nag-a-apply bilang investor sa mesa ni Everett.Mabigat na rin ang tiyan ko at kailangan ko nang hawakan ang balakang ko kung tatayo ako, hindi ko alam, wala namang tulong 'yon pero kahit papaano ay mas comfortable ako kapag ginagawa ko 'yon.Naglakad ako pabalik sa mesa at muling naupo. Ito na ang naging daily routine ko sa mga nagdaang buwan: gigising sa umaga, kakain ng umagahan, mag-aasikaso, a-attend kami ni Everett sa Yoga Class Exercises, at saka kami papasok sa kompanya. Minsan nadadagdagan pa 'yan kapag check up namin sa OB."Kumusta ka na d'yan, baby? Gut
Last Updated : 2025-09-24 Read more