Asher's POVNandito ako ngayon sa isa sa villa ni Everett. Kasama ko ang tatlong ugok at si Kateryna, ito ang sinabi ni boss na pagdalhan ko sa asawa niya dahil magulo pa ang bahay nila."Pre? May balita na ba kay boss?" tanong ni Liam na busy sa pagkain ng hotdog.Umiling naman ako bago ako tumingin sa mga pagkain sa harapan namin."Patay gutom ba kayo? Hindi pa nga nakakakain si Kateryna naubusan niyo na," sabi ko."Si Drake, tangina. Iniisang subo ang ham," sabi ni Liam bago tinuro si Drake na pakagat na sa tinapay na ginawa niyang burger na ang palaman ay hotdog, itlog, at ham."Pare-pareho lang tayong gutom dito. Kumain din naman kayo, 'wag kayo manisi," sagot naman nito. Napailing na lang ako bago ko ininom ang baso ng kape na tinimpla ko.Habang wala si Everett, napagbilinan niya kami na bantayan si Kateryna."Ano pa lang nangyari kagabi? Bago magkagulo nakita namin 'yong kaibigan ni Ms. Kateryna na pumunta sa bahay nila boss," biglang sabi ni Hunter.Hindi naman ako kumibo dahi
Last Updated : 2025-04-26 Read more