Kwentuhan Jela Pov"Hindi ko pa alam kung saan kami hahantong. Pero alam ko na hindi niya kami iiwanan nang basta-basta," mahina kong sabi.Nagkatitigan kaming magkakaibigan. Wala silang sermon sa akin, walang panghuhusga, puro pag-unawa lang ang nakikita ko sa kanilang mga mata. "Basta nandito lang kami, suportado ka namin," sabi nila halos sabay-sabay. "At kung siya ang nagpapasaya sa'yo... okay kami doon." "At kung niloloko ka o sinaktan niya ang damdamin mo, susugod kami para damayan ka at para awayin siya para sa'yo," sabi ni Rosey. Ganyan din ang sasabihin ng isa kong kaibigan na si Brigitta kapag nandito siya. Kaso, bigla na lang siyang nawala at hindi na nagparamdam pa. "Count me in," sagot agad ni Wenneth. "Me too," sunod-sunod na sabi ng iba pa. Ngumiti ako, ramdam ko ang totoong pagpapahalaga nila sa friendship namin. Kaya na-appreciate ko naman sila lahat."One for all, all for one and all!" humagikhik pa sila pagkatapos ng sinabi nila. "Salamat ng marami. Grateful
Last Updated : 2026-01-09 Read more