Chapter 27 Happily Eating Together Jela "Dahan-dahan naman," reklamo ko kay Jupiter habang pinapahiran ng ointment ang mga kalmot ko sa leeg, pisngi, at mga braso. "Tiis lang muna, Jelang, ginusto mo 'to eh," sermon niya sa akin. "Hindi ko ito ginusto. Umiwas ako dahil ayoko ng gulo. Pero bigla na lang nila hinila ang buhok ko. Tapos pinagtulungan nila ako. Hindi ako ang nauna," inis kong paliwanag. "Behave ka, Mama, no talking po, para maayos na gamutin ni Tito ang sugat mo," suway ni Jan sa akin. "Bilis na po, Tito, gugutom na ako, naghabol-habulan na po ang bituka ko sa loob. Galit na sila, rinig niyo po tunog ng tiyan ko? Grrrrrr... growwwwl," may sound effect pa. "Yung tiyan ko po jumping-jumping lang po. Excited na kumain," singit naman ni Jam. Natawa kami ni Jupiter. "Just wait a minute, guys. Hindi puedeng madaliin ni Tito ang paggamot sa sugat ni Mama, nasasaktan siya. Kakain tayo ng marami mamaya para hindi mahimatay sa gutom ang mga tiyan natin," sabi na
Huling Na-update : 2025-06-09 Magbasa pa