Jela "Mama, may binili po si Lolo Pogi at Lola Ganda na kotse namin," pagbabalita ni Jam kinaumagahan habang kumakain sila ng almusal. "Sinabi lang po namin na gusto namin ng gano'n, bumili na po sila agad, Mama," singit ni Jan. "Hindi namin sila pinilit, Mama ah. Sabi namin huwag na po, pero sila ang makulit at mapilit. Binilhan pa rin po nila kami. Kaya wala na po kami nagawa," mahabang paliwanag ni Jon. "Kulay puti po akin, Mama," sabi ni Jam. "Blue 'yung akin, Mama," sabi ni Jan. "Sa akin black po," dagdag ni Jon. "Sana po, Mama, hindi ka magagalit ah," mahina pang sabi ni Jan. Gumaan naman ang dibdib ko at masuyo ko silang nginitian. Kaya ko naman silang bilhan ng mga gano 'n, ako lang talaga ang pumipigil sa gusto nila na alam kong hindi naman napapakinabangan sa bandang huli. "Hindi nagagalit si Mama, mga anak. Ayaw lang ni Mama na ma-spoiled kayo. Pero masaya si Mama sa inyo dahil masaya ang mga babies ko," matamis ko silang nginitian. "Salamat po, Mama nam
Last Updated : 2025-09-17 Read more