“Sure bang bago ‘tong karne, Manong Tio?” Ngumuso si Evony habang nagtitingin-tingin ng karne, sinusuri kung bago ba ito o luma base sa itsura nito. Maingay ang paligid dahil sa pinaghalong sigaw ng mga nagtitinda at mga customer na namimili. Ang ilan ay stress pa dahil sa mga maliliit na batang bitbit nila. Bukod pa roon, mainit at malagkit ang hangin na dumadampi sa balat niya. Nagpapasalamat na lang siya na na presko ang duster na suot niya. Kung hindi ay baka kanina pa siya tumakbo palabas ng palengke. “Oo naman, Sol! Bibigyan ba kita ng lumang karne? Lagot ako nyan kay Inay Marya!” tatawa-tawa nitong sagot. Natawa rin si Evony sa kanya. “Sige ho, manong. Bigyan niyo ‘ko ng dalawang kilo,” sabi ni Evony saka bumunot ng limang daan sa wallet. “Aba, marami-rami ah,” komento naman ng tindero habang tinitimbang ang karne. “May bisita ba kayong darating?” “Opo, eh. Mapapaaga raw ang dating nina Autumn galing Maynila.” Tumango-tumango naman si Manong Tio at hindi na sumagot. H
Read more