“ANO bang instruction niya, ite-text mo ba siya o tatawagan?” iyon ang magkasunod na naitanong sa kanya ni Pauline habang naglalakad sila papunta ng CAS building. “Wala naman siyang sinabi. Saka, hayaan mo na iyon, Pau, puntahan nalang natin siya para makaraos na ako,” pagtatapos na niya sa usapang iyon. “Okay, sige. Basta doon lang ako sa may bench sa labas. Maghihintay sa’yo,” anito sa kanya.Nilingon niya si Pauline at pagkatapos ay nginitian. “Kahit palagi mo akong kinokontra pagdating kay Sir Marcus, andyan ka pa rin naman talaga,” aniyang ngiting-ngiti saka sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.Tinawanan lang din muna ni Pauline ang sinabi niyang iyon. “Pagkatapos ng presentation mo kain tayo,” anito.“Sure, iyon lang pala. Pansit, iyong sa canteen, libre ko,” aniya rito.Matamis ang ngiting pumunit sa mga labi ni Pauline. Sa totoo lang kagaya ng sinabi niya kanina kahit sa maraming pagkakataon ay mas panig si Pauline kay Marcus, hindi pa rin niyon nababago ang katotohnang i
Last Updated : 2025-11-07 Read more