“KUNG gusto mo, hija, pwede kitang pasamahan kay Eva para—” “No need, Lolo—malaki na ako. At isa pa, nakalimutan na po ba ninyong sa America ako lumaki?”aniyang tumawa ng mahina habang amuse na nakatitig sa matanda.Tumango-tango si Salvador habang amused siyang pinagmasdan bago hinalikan ang ulo. “Tama ka nga naman,” anitong tinitiga siya ng may pagmamahal pagkatapos.Nagtaas-baba ang dibdib ni Celeste nang magpakawala siya ng isang mabigat at malalim na buntong hininga. “Magiging okay ako, Lolo,” pagtitiyak niya . “Mauuna na po ako,” iyon lang at sumakay na siya sa van na maghahatid sa kanya sa unibersidad na kanyang papasukan.“ANONG oras ba ang uwi mo?” tanong ni Juliana kay Marcus.Napangiti ang binata sa tanong ng kanyang ina. Nakaupo si Juliana sa paanan ng kanyang kama habang pinanonood siya nito sa pag-aayos sa harapan ng salamin. “Gabi na siguro, Ma,” aniya habang sinisipat ang sariling repleksyon.Narinig ni Marcus ang malalim na buntong hiningang pinakawalan ng nanay niy
Last Updated : 2025-11-04 Read more