LOGINIn the sterile calm of the operating room, Dr. Marcus Valencia is celebrated for his precision, his steady hands healing wounds that others deemed impossible. But beneath the surgeon’s blade lies a heart scarred by a past he’s struggled to bury. When he falls in love, a new chapter begins—until a shocking truth slices through, unearthing a dark secret that binds them both to a night of unspeakable horror. Now, Marcus faces an agonizing choice: fulfilling his duty or answering the resounding call for justice, now lying in front of him. With justice resting in his hands, immerse yourself in a novel where the call of duty, the depths of true love, and the burning desire for revenge for family clash in a poignant struggle.
View More“MEDYO matagal na rin mula nung huli nating nagawa ang ganito,” si Juliana iyon.Sunday at nagyaya ang Mama niyang mamasyal sa mall. Si Mario noon ay nasa bahay at busy sa tinatapos nitong report para sa conference nito kinabukasan.“Yeah, sayang nga lang at wala si Papa,” aniyang pinagmasdan ang magandang mukha ng kanyang ina.Nasa isang fast food sila noon at kumakain ng paboritong spaghetti at fried chicken ni Juliana. Ang kanyang ina, hindi niya masasabing lumaki itong may ginintuang kutsara sa bibig. Hindi rin naman ito galing sa mahirap na pamilya. Ang nakakatuwa lang sa Mama niya, ang mga paborito nitong pagkain noon pa man ay hindi nagbabago at hindi nito nakakalimutan. Isa sa maraming magagandang katangiang gustong-gusto niya rito. “Oh, bakit?” si Juliana nang marahil mapuna nito ang paraan ng pagtitig niya rito.Magkakasunod na umiling si Marcus. “Naisip ko lang, maswerte si Papa sa’yo, Ma,” pag-amin niya.Tumawa ng mahina ang kanyang ina. “Maswerte din ako sa kanya. Kasi ku
“WOW, ang taas ng grade mo ah! In fairness, nanghihinayang tuloy ako na hindi ko nakita ang presentation mo,” ang masayang komento ni Pauline.Katulad ng nauna na nilang napagkasunduan ay kumain sila ng pancit sa canteen pagkatapos ng presentation niya sa CAS building.“Ako nga rin hindi ko inasahan na ganoon ang magiging reaksyon niya sa presentation ko,” hindi niya napigilang sabihin habang ngiting-ngiti.“Hindi ba tama ako? Mabait si Sir Marcus. Kaya sana kahit kaunting appreciation lang magkaroon ka sa kanya. Kasi hindi mo makikita ang magaganda qualities ng isang tao hanggang nabubulagan ka ng galit at inis,” paliwanag sa kanya ni Pauline sa mabait at nagpapaunawa nitong tono.Ngumiti si Celeste. “Salamat, Pau,”aniya pa.Nagkibit ng mga balikat nito ang kaibigan niya. “Para ano pa at naging bestfriend kita kung hindi ko maitatama ang mga hindi magaganda at maling paniniwala mo,” anito sa kanya.Lumapad ang pagkakangiti ni Celeste. “Dahil dyan, sasabihan ko ulit si Mang Damian na
“ANO bang instruction niya, ite-text mo ba siya o tatawagan?” iyon ang magkasunod na naitanong sa kanya ni Pauline habang naglalakad sila papunta ng CAS building. “Wala naman siyang sinabi. Saka, hayaan mo na iyon, Pau, puntahan nalang natin siya para makaraos na ako,” pagtatapos na niya sa usapang iyon. “Okay, sige. Basta doon lang ako sa may bench sa labas. Maghihintay sa’yo,” anito sa kanya.Nilingon niya si Pauline at pagkatapos ay nginitian. “Kahit palagi mo akong kinokontra pagdating kay Sir Marcus, andyan ka pa rin naman talaga,” aniyang ngiting-ngiti saka sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.Tinawanan lang din muna ni Pauline ang sinabi niyang iyon. “Pagkatapos ng presentation mo kain tayo,” anito.“Sure, iyon lang pala. Pansit, iyong sa canteen, libre ko,” aniya rito.Matamis ang ngiting pumunit sa mga labi ni Pauline. Sa totoo lang kagaya ng sinabi niya kanina kahit sa maraming pagkakataon ay mas panig si Pauline kay Marcus, hindi pa rin niyon nababago ang katotohnang i
“MABUTI naman kung ganoon. Sigurado akong matutuwa ang lolo mo oras na marinig ang mga salitang iyan mula sa iyo,” ani Mang Damian na halatang masaya rin sa isinagot niya.Hindi na nagsalita pa si Celeste pagkatapos ng sinabing iyon ng matanda. Isang oras din ang byahe mula SJU hanggang sa mansyon. At dahil nga inihatid pa nila si Pauline ay medyo na-extend ng kaunti ang oras. Kaya mas pinili nalang ng dalaga na abalahin ang sarili niya tanawing nasa labas ng bintana. Sandaling sinulyapan ni Celeste ang kanyang suot na relo. Malapit ng mag-six PM kaya madilim na rin. Pero ganoon pa man ay hindi pa rin nakaligtas sa paningin niya ang isang pamilyar na bultong bumaba mula sa isang kulay puting SUV. Walang iba kundi si Marcus.Nasa kabayanan na sila noon ng Mercedes. Medyo traffic at ang sasakyan ng binata ay nakatigil sa harap ng isang kilalang bangko. At dahil nga mahaba ang linya ng mga sasakyang hindi agad makausad ay nagkaroon ng chance si Celeste na panoorin ang lalaki. Napangiti






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.