10 YEARS AGO…“O, anak, hindi pa ba tapos iyan? Anong oras na gising ka pa.”Napangiti si Marcus saka tiningala ang ina niyang si Juliana. Ang maganda nitong mukha ang bumungad sa kanya. Pinanonood ang ginagawa niya.“Kailangan po, para sure na maka-graduate,” sagot niya saka pinigil ang paghihikab.Muling sumilay ang magandang ngiti sa mga labi ng kanyang ina. “O sige, igagawa nalang kita ng meryenda at ipagtitimpla ng kape,” anitong pagkatapos ng sinabi ay nakita niyang sinulyapan ang relo na nakasabit sa dingding.Ala una na ng madaling araw. Totoo naman ang sinasabi ni Juliana. Pero thesis kasi ang tinatapos niya kaya hindi niya gustong magpakampante.“Medyo tanghali naman ang pasok ko mamaya, nay, kaya makakatulog pa ako,” aniya.“Ganoon ba? O sige, hindi na kita igagawa ng kape at baka hindi ka makatulog,” anito saka ibinalik ang hawak na tasa sa cupboard.Graduating na si Marcus sa kursong BS Biology. Iyon ang kursong kinuha niya bilang kanyang pre-med course. Tama, gusto niyan
Huling Na-update : 2025-08-20 Magbasa pa