Ugh, ang sakit ng katawan ko. Mabuti na lang Sabado na ngayon, at wala akong pasok sa dalawa kong trabaho.Ang bilis lang ng mga araw. Parang kailan lang dumating 'yong Lunes, tapos weekend na ngayon. Pero paniguradong mabilis lang 'yan kasi kinabukasan Lunes na naman at papasok na ulit sa trabaho.Ugh, when will I ever get to rest for a long time?"Good morning, self," nakangiting sabi ko sa aking sarili, at agad ng bumangon mula sa higaan, at inayos na rin ito.Pero bigla akong nakarinig ng katok mula sa pinto. Bahagya pa akong nagulat nang marinig ito, pero kaagad din naman akong lumapit para buksan.It was Louie, wearing a jogging outfit and smiling at me. Did he just get back from jogging or is he just about to leave?"Good morning, how's your sleep?" aniya, pero nakangiti pa rin sa akin.Ang ganda 'ata ng gising niya. Mukhang ang lakas ng energy niya ngayon, pero bakit naman kaya siya pumunta rito sa kwarto ko?"Good morning din, ayos lang naman. Ikaw ba?" tugon ko, at maliit na
Huling Na-update : 2025-07-23 Magbasa pa