Tanya's POV Alas-11 na ng gabi bago natapos ang dinner namin, kasama na doon ang kwentuhan. " Tay Lito, ako na po bahalang maghatid kay,Tanya." wika ni Luke, tatay na talaga ang tawag niya sa tatay Lito ko. " Salamat,iho." wala na ding sir Luke ang tawag ni tatay kay Luke. Nahihiya parin akong tawagin si madam Letty na tita na iyon ang gusto niyang itawag ko sa kanya. Tsaka na daw ang mommy, kung kasal na daw kami ni Luke. " Bye po, madam..." magalang na sabi ko. " Just call me tita,iha. Paano tayo maging closed niyan kung tawagin mo parin akong madam?" natatawang sabi nito. Nahihiya naman akong ngumiti. Hindi ko pa kasi alam kung paano ko pakikisamahan ang mga mayayaman. Well, nasabayan ko naman sila Kate at mga barkada ni Luke. Kaya kunti nalang siguro ang adjustment ko. " I've expecting you to stay, starting tomorrow,iha." pahabol nito na ang tinutukoy nito ang pagtira ko sa mansiyon. " I will,tita..." tipid na sagot ko. Pinapauna muna namin sila, sabay na sa
Last Updated : 2025-04-17 Read more