Hot Billionaire's  Series 1 : Chasing You (R18+)

Hot Billionaire's Series 1 : Chasing You (R18+)

last update최신 업데이트 : 2025-05-14
에:  Red Angel1221완성
언어: Filipino
goodnovel18goodnovel
9.6
81 평가. 81 리뷰
116챕터
30.8K조회수
읽기
서재에 추가

공유:  

보고서
개요
목록
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.

Warning: Mature Content ‼️ Siya si Tanya Medrado pangarap niyang makapag-trabaho isa sa sikat na construction firm sa bansa ang LS Construction.Nag-apply siya dito pagkatapos niyang pumasa sa board exam.Natanggap naman siya bilang architect ng kompanya. Isa namang family driver ang tatay niya sa mayamang pamilya.Mapagbiro din ang tadhana minsan ng malaman niyang ang hot CEO ng kumpanyang pinagtrabahuan niya ay siya din palang amo ng kanyang tatay.Mabait ito sa tatay niya.Pinakitaan din siya nito ng kabutihan kaya hindi niya maiwasang mahulog ang loob niya sa kanyang boss. Kaya niya pa bang magmahal kung kabilaan naman ang mga babaeng nasa mataas na antas ang na lilink dito. Ano ang laban niya sa mga ito kung isang hamak lamang siyang empleyado.

더 보기

1화

Kabanata 1: Graduation

Tanya's POV

" Congratulations to us." Patiling wika ni Michelle.Ang bestfriend ko sabay yakap sa akin ng mahigpit.

" Congratulations to us, bestie."

Natatawa ko din na wika dito. Finally, after five years of studying harder, emotionally and financially. Naitawid din namin ang pag-aaral sa college.Through thick and thin iyan ang friendship goals namin ni Michelle.

Ganunpaman thankful parin kami na sa kabila ng mahirap na hamon sa buhay. Hindi man kami tulad ng ibang kaklase namin na mayaman na magkaibigan. Nakapag-aral parin kami. Isa sa prestihiyosong unibersidad sa Manila. Malaking pribelihiyo narin ang pagiging scholar namin.

" Congratulations sa inyo, anak," mahigpit din na yakap ni tatay sa akin. Nandito na kami ngayon sa isang restaurant. Kung saan kami kasalukuyang kumain at para na rin sa pagcelebrate ng graduation namin ni bestie.

Actually lima lang kami dito. Ako, si tatay, si Michelle at ang mga magulang niya. Sa nagtatanong kung nasaan ang aking ina. Nakakalungkot man isipin na hindi siya naka attend sa graduation ko at hindi ko na siya makasama pa habang buhay. She died when she gave birth to me.

" Nay, para sa inyo ni tatay ang pagtatapos kong ito." Taimtim kong bulong sa sarili bago sumubo ng pagkain.

" Bestie, nag-imbita iyong grupo nila ni Jake sa bar. Para narin daw makapag-celebrate mga batch natin bago tayo maghiwalay-hiwalay," wika ni Mich habang naglalakad na kami pauwi sa dorm namin.

Si tatay naman umuwi narin sa bahay ng amo niya. Stay-in kasi siya doon bilang family driver. Iyong mga magulang naman ni Mich ay pumunta sa kamag-anak nila para makapasyal narin. Lumuwas lang kasi ang mga ito galing Bulacan.

Napataas agad ako sa aking kilay.Speaking of Jake, isang taon narin itong nanliligaw sa akin. Hanggang ngayon ay hindi parin ito tumigil sa panliligaw sa kanya. Haba ng hair ko 'noh?

Jake is totally package. G'wapo,mayaman at matalino. Pero wala talaga akong nararamdaman dito na kilig man lang. Kaswal ko lang ito kinausap. Kapag tungkol lang sa pag-aaral ang usapan. At kapag may kabuluhan ang usapan.

Para sa akin kahit tapos na kami sa pag-aaral ay wala pa sa isip ko talaga ang magkaroon ng boyfriend.Let me say this, hindi pa siguro dumating iyong lalaki na magpapakilig sa kiffy ko hehe.

" Oy, ano na sama na tayo,ha. Natahimik ka na diyan." Basag ni Mich sa pag-iisip niya.

" Hmm...p'wede naman total after nito busy narin naman tayo sa pag-rereview class natin for board exam."

Naging tugon ko nalang para matapos na ang pangungulit nito. Mabilis kaming nakarating sa dorm namin dahil hindi naman masyadong traffic.

Kami nalang ni Mich sa dorm namin.Iyong iba kasi namin ka roommates ay nagsi-uwian na sa kanya-kanya nilang probinsya. Bibitawan na din namin ito kapag tapos na kami magboard exam ni Mich.Siyempre hahanap na kami ng ibang matitirahan. Kung saan malapit sa a-applyan naming trabaho.

Napapikit ako ng sinubukan kong inumin ang alak na binigay sa akin ni Mich. Humahagod sa aking lalamunan. Nandito na kami ngayon sa bar kung saan nakipag-celebrate kami ni Mich sa mga ka-batch namin.

" Bestie, cr lang ako, ha." Paalam sa akin ni Mich.

Tango lang ang naging tugon ko sa kanya. Ito naman ang hinintay na pagkakataon ni Jake para malapitan niya ako.Tumabi na ito sa akin.

" Hi, Tan... congrats to us," agad na wika nito na itinaas pa ang hawak nitong baso na may lamang alak.

Ngumiti ako sa kanya at binati ko din ito pabalik.Tumikhim ang binata na para bang nag-aalis ng bara sa lalamunan.

Sa tagal na bumalik ni Mich sa umpukan nila.Kaya mahaba-haba narin ang kwentuhan namin ni Jake. Umikot ang paningin ko sa paligid upang hanapin itong magala kong kaibigan. Pero ni anino nito hindi ko mahagilap.

Ang iba ay humahataw na sa dance floor. Habang ang iba naman ay nagkanya-kanya na sa kanilang partner. Ngayon ko nga lang din nalaman na binayaran pala ito ni Jake.Ang buong gabi na kita ng bar. Kaya hindi na nakapagtataka na halos mga ka-batch namin ang nandito. May iilan na mga unfamilliar na mukha.Siguro mga barkada or kaya kamag-anak ito ng binata.

Tumikhim ulit ito, " What's your plan after board exam?" tanong nito.

" Hmm...kung palarin na makapasa kami ni, Mich. Balak namin mag-apply sa sa LS construction."

" Really? That's an good idea. Maganda ang company na iyan." Natutuwa nitong wika.

Hindi na maalis-alis sa binata ang nakapaskil nitong ngiti.Pakiramdam ko nga na medyo tipsy na rin ang binata.

" Ahm...Tan, kumusta na pala ako diyan sa puso mo?"

Paiba na nito sa usapan. Napangiwi ako sa tanong nito medyo na kornihan ako sa datingan ni Jake. Knowing him is a playboy. Kaya hindi ko inaasahan na may pagkakorni pala ito.

Hindi ko rin alam kung bakit pinagtiyagaan ako nitong ligawan. Baka naman na chachallenge lang ito sa akin. Na isa akong laking probinsya at hindi ka level nito pero binasted ko.

" I'm sorry, Jake. Pero hindi pa talaga ako handa sa ganyang bagay."

Malungkot kong sabi.Kahit papaano naawa din naman ako dito.Na-appreciate ko naman ang pagtiya-tiyaga niya sa panliligaw sa akin.

Napabuntong-hininga ito, " Yeah, I know I'm not your type.I'll understand." Malungkot nitong wika.

" But, Tan... please kahit ngayon lang. Let me..." hindi na nito pinatapos ang nais nitong sabihin.

Nagulat nalang ako sa ginawa ni Jake sa akin. Hahalikan na sana niya ako nang may biglang sumuntok sa binata. Lumaki ang mga mata ko sa gulat. Medyo malabo na ang ilaw banda sa amin.Kaya hindi ko maaninag ang taong sumuntok kay Jake.

Iyon naman ang pagdating ni Mich. Nagtatanong ang kanyang mga mata. Napailing naman ako sa nangyari .

Mabilis na namin nilisan ang nasabing bar. Ang masayang graduation celebration ay nauwi pa sa kaguluhan.

" Bakit? Anong nangyari, bestie? " agad na tanong ni Mich nang makarating na kami sa dorm.

Napabuntong-hininga ako at kinuwento ko na sa kanya ang nangyari.

" Really? Nagagawa ni Jake iyan sa'yo? Wala naman pala siyang modo.Bet ko pa naman sana siya para sa'yo." Inis na wika ni Mich.

Palaisipan parin sa akin kung sino iyong lalaki na sumuntok kay Jake.Ang bilis naman nitong nakalapit sa p'westo namin.

펼치기
다음 화 보기
다운로드

최신 챕터

더보기

독자들에게

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

평점

10
98%(79)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
1%(1)
5
0%(0)
4
1%(1)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
9.6 / 10.0
81 평가 · 81 리뷰
리뷰 작성하기

리뷰더 하기

Red Angel1221
Red Angel1221
Happy 30k reads🫶Happy New y'all...... 123125
2025-12-31 22:23:42
3
0
jeshayourfavjesh
jeshayourfavjesh
nakakakilig ang story na ito di nakakasawang basahin po miss a
2025-12-21 15:04:13
1
1
bart P
bart P
may other ka pala miss a. Just starting to read kinilig na agad ako.Ang cute ng story
2025-12-15 20:00:58
1
1
bart P
bart P
may other ka pala miss a. Just starting to read kinilig na agad ako.Ang cute ng story
2025-12-15 20:00:42
0
0
Red Angel1221
Red Angel1221
Thank you sa 29K reads🫶🫶 Forever thankful po sa inyo sa patuloy na nagbabasa ng first book ko... 121225
2025-12-12 19:12:30
1
0
116 챕터
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status