"Uh... cause I am sleeping here?" inosenteng sagot ni Michael, habang tinatantiya ang mood ni Wendy.Hindi man lang ito kumurap. O hindi man lang nagbago ng ekspresyon.Parang natural lang sa kaniya na naroon, na tila ba karapatan niya ang manatili sa kwartong iyon."Stop making me laugh, Michael," mabilis na asik ni Wendy at inirapan ang lalaki. Kinuha niya ang kaniyang mga night time skin care routine products. Ang mga bote ng La Mer at Chanel na nagkakahalaga ng libo libong piso.Balak ni Wendy na na dalhin ang mga ito sa loob ng walk in closet para doon na lang gawin ang kaniyang routine. Naiirita kasi siya sa presensya ni Michael. Kahit na ito ang kaniyang alas, ang kaniyang koneksyon sa kapangyarihan ng mga Camero, hindi niya itinatanggi sa kaniyang sarili na nabuburyong siya sa presensya nito. Kung hindi niya lang kailangan ang pangalan nito, matagal na niyang ipinatapon ang lalaking ito sa kung saan mang sulok ng mundo. Just not near her, even an inch. "Wendy, sweetheart, w
Read more