ARDEN VELASQUEZ – POV(SPG. Mature content. Not suitable for young readers.) R-18Isang buwan na rin ang lumipas.Tuloy-tuloy pa rin ang training nina Zahara, at mukhang mas lalong lumalalim ang kumpiyansa nila sa isa’t isa.Si Kurt at Venisse?Mukhang nagkaayos na. May mga sulyap na, at bumalik na sa dati ang mga ngiti nila. Pero kami ni Zahara?Putangina. Hindi ko alam kung may "kami" pa ba.Nakatayo ako ngayon sa terrace, isang sigarilyo ang dahan-dahang nauupos sa mga daliri ko.Hinahayaan ko lang ang malamig na hangin ng gabi na tangayin ang mga alaalang hindi ko pa rin mabitawan. Maya-maya pa, aalis na kami papuntang Misibis Bay. Cagraray Island. Bacacay. Dito lang sa Albay.Family trip daw. Para raw makapagpahinga.Pero ang totoo? May plano rin kami para sa birthday ni Dad.Isang plano na babago sa mga buhay namin. Pero kahit may ganitong mga plano, parang may kulang. Parang may butas pa rin sa dibdib ko.Biglang bumukas ang sliding door sa likod ko."Arden... Can we talk?
Terakhir Diperbarui : 2025-05-31 Baca selengkapnya