Nang mapansin ni Graciella na nakasunod si Beatrice sa kanya ay nagkunwari siyang nahihilo. Mahigpit siyang napakapit sa sink ng ladies restroom at ilang beses na iniling ang kanyang ulo."Anong nangyayari? Bakit? Bakit parang nahihilo ako?" Nanghihina at nagtataka niyang sambit.Agad namang pumasok sa loob si Beatrice at inalalayan siya para hindi tuluyang bumagsak sa sahig. "Ano bang nangyayari sayo, Graciella?" Nag-alala nitong tanong."Nahihilo ako tsaka nanghihina yung mga tuhod ko. P—parang masusuka yata ako...""Ganun ba? Subukan mong magrelax, Graciella. Dadalhin kita sa suit sa itaas para makapagpahinga ka muna sandali," kunwa'y concern pero sa kaloob-looban ni Beatrice ay nagdidiwang na siya.Sa wakas ay naisahan niya si Graciella. Kulang nalang ay pumalakpak siya sa ere dahil sa tuwa. Ngayon palang, naiimagine na niya si Graciella na magmamakaawa at hihingi ng tulong sa kanya.Pero sorry nalang ito...Kung ngayon nagtrending ito at nakuha ang spotlight mula sa kanya sa maga
Last Updated : 2025-09-17 Read more