"Alam ko pong mahirap para sa inyo itong hinihiling ko. Pero sa nakikita ko sa kanya, puno parin siya ng galit, Grandma at maaaring maghihiganti parin siya kahit paman siya ang may kasalanan," dagdag pa niya."Malapit na pong manganak ang asawa ko. May pamilya po akong kasalukuyan na binubuo. I don't want him to ruin my family, especially the life that I will give to my son. I will do everything to protect my wife and my child from any possible threat...""Naiintindihan kita, apo," si Daichi ang sumagot."Bilang isang magulang, isang magulang, alam ko ang nararamdaman mo. At kung ako rin ang nasa lugar mo, ganyan rin ang magiging desisyon ko. Napag-usapan narin namin ito ni Celestina. Bilang isang magulang, gagawin namin ang lahat para mapigilan si Riku na gumawa ng isa pang kasalanan. Kaya naman, wala kaming balak na palayain siya. Mananatili siya sa kulungan at doon niya pagbabayaran ang kasalanan na kanyang nagawa sa mga magulang mo at maging sa anak ni Takumi at Mathilda...""Mara
Last Updated : 2025-11-30 Read more