Agad na nakarating kina Daichi at Celestina at maging kay Grandma Hermania ang pagkawala ni Graciella. Inutos naman ng huli ang paghahanda ng sasakyan at mga tauhan nila para tumulong sa paghahanap."Saan po kayo pupunta, Mommy?" Tanong ni Wilbert nang makasalubong niya ang kanyang ina na mukhang nagmamadali."Kailangan kong pumunta kay Celestina para alamin kung ano na ang nangyayari sa paghahanap kay Graciella," halos maiiyak na sambit ng ginang.Nagsalubong ang kilay ni Wilbert sa sinabi ni Hermania. "Bakit? Ano ba ang nangyari kay Graciella?""May kumidnap sa kanya, Wilbert. Habang pauwi siya galing sa trabaho, may mga humarang sa kanila at tinangay nila si Graciella matapos patayin ang mga bodyguards na kasama niya," naghihisterikal na wika ng ginang.Agad namang dinaluhan ni Wilbert si Hermania. "Try to relax, Mom. Baka kung ano ang mangyari sa inyo dahil sa labis na pag-aalala. Hindi iyon magugustuhan ni Graciella kung sakali," alo niya dito.Mukhang epektibo naman ang pamamara
Last Updated : 2025-10-12 Read more