Ilang oras lang ang hinintay ni Wilbert at sa wakas, dumating na ang abogado ng kanyang ina. Dahil narin sa kondisyon ng Mommy Hermania niya, napagpasyahan nila na doon na ospital sila magpirmahan ng transfer of authorities.Habang palapit ng palapit sa kanya ang abogado, malakas ang tibok ng kanyang puso. Kay Tagal niyang hinintay ang bagay na ito. Sa wakas ay natupad na. And with Levine's downfall due to his wife's absence, mamamayagpag siya sa buong Pilipinas bilang pinakamayaman sa lahat!"Magandang hapon po, Mrs.Nagamori, Mr.Nagamori," ani Attorney Ynares, ang abogado ni Hermania.Mahinang lumingon si Hermania sa abogado. Agad namang nilapitan ni Wilbert ang sariling ina. "Mom, the attorney is here," bulong niya.Napatango-tango naman ang ginang. "B—bring him here," bulong nito pabalik.Sinenyasan ni Wilbert ang abogado na lumapit. Mabilis naman itong tumalima. Gamit ang isang bakenteng silya, umupo ang attorney malapit kay Hermania at inilabas ang mga papeles na kanyang dala."
Last Updated : 2025-10-23 Read more