MALAMIG ANG mukha ni Asha na lumabas ng silid ni Lawrence. Kung talagang gusto nitong magtawag ng magandang babae para alagaan siya ay hindi niya ito pipigilan, magpapanggap na lang siyang hindi niya ito narinig para wala siyang maging problema.Bumalik siya sa kanyang condo. Pagdating niya doon ay agad siyang dumiretso sa kanyang kama at ibinagsak ang sarili doon. Si LAwrence naman mismo ang nagsabi sa kaniya na pwede siyang umalis kung gusto niya pero hindi niya maiwasang hindi makonsensya dahil hindi niya tinupad ang usapan nilang dalawa pero anong magagawa niya? Ito naman ang may kasalanan.KINABUKASAN, wala siyang klase at wala din naman siyang alam na puntahan kaya nanatili na lang siya sa kanyang condo. Tinawagan niya rin si Manang Selya upang alam kung ano na ang lagay ni LAwrence hindi dahil sa nag-aalala siya o ano pa man kundi dahil natatakot lang siya na baka mamaya ay sinundan na naman siya nito at para na rin mapabilis ang pagpunta nito sa Taiwan. Mabuti na lang at sinab
Terakhir Diperbarui : 2025-04-18 Baca selengkapnya