ALAM ni Candice na kaya nito sinasabi ang mga iyon sa kaniya ay dahil sa gusto siya nitong i-provoke. “May tiwala ako kay Luke.” sabi niya rito.“Sa tingin mo ba talaga ay may kakayahan siya?” bukod doon ay napatawa ito, tawa na hindi nakakaaya sa halip ay nakakagalit ng sobra. Habang nakatingin dito ay napuno ng poot ang kanyang mga mata. Sa itsura nito noong mga oras na iyon ay paano nito nagagawang sabihin iyon? Kung walang kakakayahan si Luke, sa tingin ba nito ay daranasin nitong makulong doon? Sana lang ay naroon si Luke para marinig ang mga salitang iyon dahil paniguradong hindi nito iyon palalampasin kung sakali man at kung may gawin man ito rito, hinding-hindi niya ito pipigilan dahil deserve nito iyon. “Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo ngayon dahil baka nakakalimutan mo na, nasa teritoryo ka nila at kahit na isang pagkakamali mo lang, paniguradong tapos ang buhay mo.” babala niya na totoo naman.Tumawa itong muli. Humawak din ito sa bakal na nakapagitan sa kanilang dalawa at
Ler mais