ANG TINIG NI LAWRENCE ang nagpabalik sa kaniya sa kanyang katinuan. “Tinatanong kita, hindi mo ba naririnig yung tanong ko?”“Na-nabaril ka kasi…” nauutal naman na sagot niya kaagad at halos hindi makatingin dito ng diretso.Napataas ang kilay nito. “Umiyak ka nang malaman mong nabaril ako?” tanong pa nitong muli sa kaniya. Napakagat-labi siya at bumilis ang tibok ng puso niya.Yumuko siya para iwasan ang mga mata nito. “Bakit hindi? Hindi na ba ako pwedeng mag-alala sayo?” mahinang tanong niya rito.Hinaplos nito ang mukha niya. “Hindi naman sa ganun. Hindi ko lang kasi inasahan na mag-aalala ka pala para sa akin.” sabi nito.“Syempre nag-alala ako, hindi ko naman iyon maiiwasan e.” sabi niya sa labis na kahihiyan. Wala naman na siyang dapat pang itago dito pero sa kabila nun ay masaya siya na sa wakas ay gising na ito. “Teka, tawagan ko na nga muna sila Adam para sabihin na gising ka na.” sabi niya pagkalipas ng ilang sandali ngunit hindi siya nito pinakawalan.“Hindi na kailangan.
Last Updated : 2025-05-19 Read more