NANG MAPAKAIN NIYA si Lawrence ay kumain na rin siya at habang kumakain siya kanina ay pinauna na niyang maligo si Lawrence at pagkatapos nito ay naligo na rin siya para makapagpalit na rin siya ng damit niya para makapagpahinga na.Malamang na si Lawrence ay natutulog na ng mga oras na iyon. Paglabas niya ng banyo ay tahimik na sa silid at nakapatay na ang ilaw, ang tanging naiwan na nalang na liwanag ay ang malamlam na ilaw sa tabi ng kama. Dahil sa sobrang tahimik ng silid ay halos marinig niya ang sarili niyang paghinga.Naglakad siya patungo sa may sofa at nahiga nang hindi nililingon ang nasa kama nang marinig niya ang boses ni Lawrence na akala niya ay tulog na. “Matutulog ka na ba?” tanong nito sa kaniya.“Hindi pa naman. Magpapaantok pa ako, may kailangan ka ba?” tanong niya at bumangon.Bumangon din naman ito at sumandal sa may kama. “Uhm, pwede bang tabi tayong matulog ngayon?” mahinang tanong nito sa kaniya.Mabilis siyang napailing. “Hindi pwede.” napakunot ang noo niya.
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-05-21 อ่านเพิ่มเติม