แชร์

Chapter 161

ผู้เขียน: Luffytaro
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-05-21 09:05:07

NANG MAPAKAIN NIYA si Lawrence ay kumain na rin siya at habang kumakain siya kanina ay pinauna na niyang maligo si Lawrence at pagkatapos nito ay naligo na rin siya para makapagpalit na rin siya ng damit niya para makapagpahinga na.

Malamang na si Lawrence ay natutulog na ng mga oras na iyon. Paglabas niya ng banyo ay tahimik na sa silid at nakapatay na ang ilaw, ang tanging naiwan na nalang na liwanag ay ang malamlam na ilaw sa tabi ng kama. Dahil sa sobrang tahimik ng silid ay halos marinig niya ang sarili niyang paghinga.

Naglakad siya patungo sa may sofa at nahiga nang hindi nililingon ang nasa kama nang marinig niya ang boses ni Lawrence na akala niya ay tulog na. “Matutulog ka na ba?” tanong nito sa kaniya.

“Hindi pa naman. Magpapaantok pa ako, may kailangan ka ba?” tanong niya at bumangon.

Bumangon din naman ito at sumandal sa may kama. “Uhm, pwede bang tabi tayong matulog ngayon?” mahinang tanong nito sa kaniya.

Mabilis siyang napailing. “Hindi pwede.” napakunot ang noo niya.
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 162

    SUMIMANGOT ITO at pagkatapos ay umalis sa ibabaw niya at isinuot ang boxer nito bago humiga sa tabi niya. “Ang sama mo.” sabi nito sa kaniya at tiningnan siya ng masama. “Kung magpapatuloy ka pa sa kagaganyan mo sa sofa na talaga ako matutulog.” pananakot niya rito habang inaayos ang sarili niya,“Matulog na lang tayo.” sabi niya at humiga na rin sa tabi nito.Napabuntong hininga lang ito. “Sige na nga.” sabi nito at muli siya nitong niyakap bago nito hinalikan ang noo niya. “Sweet dreams, Asha.” masuyong bulong nito.Ipinikit niya na rin ang kanyang mga mata. Sa totoo lang ay wala siyang tiwala dito na titigil na ito sa panunukso sa kaniya lalo pa at hindi nito nakuha ang gusto nito. Mabuti na lang at hinid naman na ito gumalaw pa nang sinabi nitong matutulog na ito at dahil doon ay hindi na rin niya namamalayan ay nakatulog na rin siya.~~~ISANG ARAW PA ang lumipas ay tuluyan na ring nakalabas si LAwrence. Sa condo nito ito nagpadiretso at hindi sa mansyon. Kung siya ang ang tatan

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 161

    NANG MAPAKAIN NIYA si Lawrence ay kumain na rin siya at habang kumakain siya kanina ay pinauna na niyang maligo si Lawrence at pagkatapos nito ay naligo na rin siya para makapagpalit na rin siya ng damit niya para makapagpahinga na.Malamang na si Lawrence ay natutulog na ng mga oras na iyon. Paglabas niya ng banyo ay tahimik na sa silid at nakapatay na ang ilaw, ang tanging naiwan na nalang na liwanag ay ang malamlam na ilaw sa tabi ng kama. Dahil sa sobrang tahimik ng silid ay halos marinig niya ang sarili niyang paghinga.Naglakad siya patungo sa may sofa at nahiga nang hindi nililingon ang nasa kama nang marinig niya ang boses ni Lawrence na akala niya ay tulog na. “Matutulog ka na ba?” tanong nito sa kaniya.“Hindi pa naman. Magpapaantok pa ako, may kailangan ka ba?” tanong niya at bumangon.Bumangon din naman ito at sumandal sa may kama. “Uhm, pwede bang tabi tayong matulog ngayon?” mahinang tanong nito sa kaniya.Mabilis siyang napailing. “Hindi pwede.” napakunot ang noo niya.

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 160

    ISANG HALIK ANG dumapo sa noo ni Asha kasunod ay ang masuyong tinig ni LAwrence. “Alam mo bang baliw na baliw na ako sayo ngayon?” tanong nito sa kaniya.“Tumigil ka nga.” sabi niya at mabilis na bumaba ng kama at lumayo rito. Sa totoo lang ay nahihiya na naririnig itong sinasabi iyon dahil hindi niya iyon inaasahan. Tyaka, alam naman nitong nahihiya siya pero pauulit-ulit pa nitong sinasabi ang mga iyon sa kaniya.“Bakit ka umalis?” tanong nito habang nakataas ang kilay nang bumalik siya sa sofa. Hindi naman sa ayaw niya na yakapin ito, ang totoo ay gustong-gusto niya kaya lang ay pinigilan niya ang kanyang sarili dahil na rin sa kagustuhan niya na gumaling ito kaagad. Baka kasi bumuka ang mga sugat nito.“Hindi mo ba narinig ang sinabi ng doktor sayo? Huwag ka raw masyadong maggagalaw muna.” sabi niya rito.“Ano ka ba, mas alam pa ba niya e katawan ko ito? Okay na okay na ako. Kung gusto mo nga kahit ilang rounds pa tayo ngayon.” mayabang na sabi nito dahilan para mapairap na lang s

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 159

    NANG MAKITA NIYA ang itsura ni Lawrence ay agad niyang napagdesisyunan na tumawag na ng doktor. “Tatawag na muna ako ng doktor para matingnan ka.” at akmang tatayo na sana siya nang pigilan na naman siya nito.Hinawakan nito ang kamay niya at pagkatapos ay inilagay ang kamay niya sa labi nito pagkatapos ay marahang hinalikan. “Pwede bang huwag ka nang tumawag pa ng doktor? Sapat na sa akin na makasama kita ngayon.” sabi nito sa kaniya at wala na siyang nagawa pa kundi ang mapabuntong hininga na lang.Nahiga siya sa tabi nito dahil doon siya nito pinatabi at hindi niya namamalayan ay nakatulog na siya.~~~~KINABUKASAN, mas naging mabuti pa ang lagay ni Lawrence na para bang isang linggo na itong nagpapagaling sa ospital pero ang totoo ay halos ilang araw pa lang itong nananatili doon ngunit higit sa lahat, ang sabi ng doktor ay pwede na raw itong lumabas bukas. Hindi niya tuloy maiwasang hindi magtaka, ganun ba kabilis makalabas ng ospital ang isang nabaril?Habang pinapanood niya nga

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 158

    ANG TINIG NI LAWRENCE ang nagpabalik sa kaniya sa kanyang katinuan. “Tinatanong kita, hindi mo ba naririnig yung tanong ko?”“Na-nabaril ka kasi…” nauutal naman na sagot niya kaagad at halos hindi makatingin dito ng diretso.Napataas ang kilay nito. “Umiyak ka nang malaman mong nabaril ako?” tanong pa nitong muli sa kaniya. Napakagat-labi siya at bumilis ang tibok ng puso niya.Yumuko siya para iwasan ang mga mata nito. “Bakit hindi? Hindi na ba ako pwedeng mag-alala sayo?” mahinang tanong niya rito.Hinaplos nito ang mukha niya. “Hindi naman sa ganun. Hindi ko lang kasi inasahan na mag-aalala ka pala para sa akin.” sabi nito.“Syempre nag-alala ako, hindi ko naman iyon maiiwasan e.” sabi niya sa labis na kahihiyan. Wala naman na siyang dapat pang itago dito pero sa kabila nun ay masaya siya na sa wakas ay gising na ito. “Teka, tawagan ko na nga muna sila Adam para sabihin na gising ka na.” sabi niya pagkalipas ng ilang sandali ngunit hindi siya nito pinakawalan.“Hindi na kailangan.

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 157

    DAHIL SA TAKOT ni Asha na baka matagalan siya sa kanyang paliligo ay napagdesisyunan niya na lang na sa ospital na lang siya maliligo. At bago siya umalis ay tinawagan niya muna si Vienna para sabihin dito na hindi muna siya makakapasok dahil kailangan niyang bantayan si Lawrence at ito na ang bahalang magpaalam sa kaniya. Isa pa, guso niya na kapag gumising si Lawrence ay naroon siya at makita siya nito kaagad.Binuksan niya ang pinto ng silid ni Lawrence kung saan ay nakita niya na binabantayan pa rin ni Adam at Luke. ibinaba niya ang kanyang mga dalang gamit at pagkalapag niya ng mga ito ay agad siyang lumapit sa gilid ng kama at tiningnan ang nakapikit pa ring si Lawrence. “Wala pa rin bang pag-asa na magiging na siya?” tanong niya sa dalawang habang nakatitig pa rin sa mukha ni Lawrence.“Ang sabi ng doktor kanina ay baka magising na daw siya mamaya o kaya mga bukas pa.” sagot ni Luke sa kaniya.Napakagat labi siya. “Gusto ko ng magising siya.” malungkot na sabi niya at iniisip p

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 156

    NANG MARINIG NI LAWRENCE ang pagsara ng pinto at tanda nang paglabas ng dalawa sa kwarto ay bahagya na niyang idinilat ang kanyang mga mata. Ilang sandali pa ay isang buntong hininga ang pinakawalan niya. Kanina pa niya pinipigil ang sarili na hindi magpakita ng kahit na anumang emosyon kahit na halos hindi na kaya ng puso niya.Habang umiiyak ito kanina at nagsasalita ay parang gusto niyang idinalat ang mga mata niya at yakapin ito ng napakahigpit. “Bakit mo pa kailangang itanong ang mga iyon sa kaniya? Mas lalo lang tuloy siyang umiyak.” sabi niya ay Luke na nang mga oras na iyon ay napakasama na ng tingin nito sa kaniya.“Napakawalang puso mo talaga kahit na kailan! Buti at nasisikmura mo na makita siyang ganun huh? Sa dami ng pwede mong gawin ito pa talaga ang naisip mo na ikakasakit at ikakapag-alala niya sayo!” sunod sunod na sabi nito sa kaniya.Napakamot naman siya sa ulo ng wala sa oras. “E wala na akong maisip pa na ibang paraan para lang bumalik sa akin ang babaeng mahal ko

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 155

    SA LOOB NG KWARTO ni Lawrence ay tahimik na umupo si Asha sa gilid ng kama nito at tinitigan ang napakagwapo nitong mukha na mahimbing na natutulog at naghihintay kung kailan ito magigising. Nang bumalik pala si Adam doon ay may dala-dala itong pagkain at ibinigay sa kaniya ngunit tinitigan niya lang iyon dahil wala talaga siyang gana.Nang mga oras na iyon ay wala na siyang gustong mangyari kundi ang magising lang si Lawrence dahil napakaraming bagay na gusto niyang sabihin dito. Gusto niyang humingi dito ng twad dahil sa pagiging matigas niya at balak na rin niyang sabihin dito ang tunay niyang nararamdaman.Noon ay napakalupit nito sa kaniya ngunit unti-unti ay talagang nagbago ito at sinusubukang bumawi sa lahat ng kasalanan nito sa kaniya kaya doon niya napagtanto na mahal nga talaga siya nito at handa nitong gawin ang lahat para lang mapatawad niya ito pero dahil sa sobrang galit niya ay hindi niya nakita kung paano siya nito suyuin.Napahugot siya ng isang malalim na buntong hi

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 154

    NANG SAGUTIN NI ADAM ang tawag niya ay kasunod nito ang nanggagalaiting boses nito. “Damn you, Lawrence! Alam mo ba kung anong itsura ni Asha ngayon huh? Halos mabaliw siya sa labis na pag-aalala sayo!” Agad na bumilis ang tibok ng puso ni Lawrence nang marinig niya sinabi ni Adam. nakonsensya rin siya bigla dahil sa mga pinaggagawa niya ngunit ng mga oras na iyon ay hindi na siya pwedeng umatras pa. Ang tanging magagawa na lamang niya ay ang ipagpatuloy pa ang mga susunod na nakaplano ng gagawin niya. Atleast kahit papano ay nalaman niya na may pakialam pa rin pala ito sa kaniya.“Kung ikaw ang tatanungin ko Adam, sa tingin mo ba ay tama itong ginawa ko?” bigla na lang niyang naitanong dito. Hindi niya alam ngunit sa isang banda ng pagkatao niya na natutuwa siya dahil hindi pa rin pala siya lubos na nabubura sa puso ni Asha. ang mag-alala lang ito sa kaniya ay labis na tuwa na ang naramdaman niya.Pero kahit na ganun ay may takot siya na paano na lang kapag nalaman ni Asha ang tungk

สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status