ISANG linggo pa lang ang nakalipas ngunit pakiramdam niya ay ilang taon na iyon. Sa bawat araw at oras na dumadaan ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman niya at halos hindi na rin niya alam kung ano ang gagawin niya, kaya nga napagpasyahan niya na ring manghingi ng tulong sa mga kaibigan niya dahil maging ang bumisita sa condo nito ay pinagbawalan siya.Ang tanging kinakausap lang ni Asha ay walang iba kundi ang kanyang ama, dito niya lang nalalaman ang lahat ng bawal niyang gawin at wala naman siyang magawa kundi ang sundin ito dahil natatakot siya na baka madagdagan pa niya ang sama ng loob nito sa kaniya na maaari lang magpalala sa problema nila. Gusto na niyang magkaayos sila at ayaw nang mag-away pa, kaya lang ay wala pa ring nangyayari.Akala niya, isa o dalawang araw lang siyang matitiis ni ASha ngunit hindi niya lubos akalain na aabot iyon ng isang linggo. Hindi na talaga niya alam kung ano ang gagawin niya. Napahilamos siya sa kanyang mukha. Pakiramdam niya ay wala na siyang
Huling Na-update : 2025-06-17 Magbasa pa