Share

Chapter 167

Author: Luffytaro
last update Last Updated: 2025-05-27 13:35:08

HALOS ILANG araw din siyang hindi tinigilan ni Lawrence. Makalipas ang isang linggo habang naghahanda para lumipat sa kanyang condo ay pilit siya nitong tinatanong. “Kailangan mo ba talagang pumunta doon?”

“Oo.” mabilis na sagot niya, sa katunayan ay pang ilang beses na nga niya iyong tinanong sa kaniya na para bang kapag inulit-ulit niyang magtanong ay magiging iba ang sagot niya. Pagkalipas ng ilang sandali ay isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan nito.

“Bakit naman kailangan mo pang bumalik doon e pwede ka naman dito.” pagpupumilit nito sa kaniya.

Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. “Isang linggo na ako dito ah.” sagot niya rito.

“E kaya nga, bakit kailangan mo pang bumalik doon kung pwede ka naman dito. Hindi naman kita pinahihirapan diba?”

“Mas malapit nga kasi iyon sa university.”

“Kung iyon lang ang problema mo ay pwede naman kitang ihatid araw-araw para hindi mo na kailangan pang umuwi.” sabi nitong muli sa kaniya. “Kahit ihatid sundo pa kita kung iyon lang a
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 167

    HALOS ILANG araw din siyang hindi tinigilan ni Lawrence. Makalipas ang isang linggo habang naghahanda para lumipat sa kanyang condo ay pilit siya nitong tinatanong. “Kailangan mo ba talagang pumunta doon?”“Oo.” mabilis na sagot niya, sa katunayan ay pang ilang beses na nga niya iyong tinanong sa kaniya na para bang kapag inulit-ulit niyang magtanong ay magiging iba ang sagot niya. Pagkalipas ng ilang sandali ay isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan nito.“Bakit naman kailangan mo pang bumalik doon e pwede ka naman dito.” pagpupumilit nito sa kaniya.Isang buntong hininga ang pinakawalan niya. “Isang linggo na ako dito ah.” sagot niya rito.“E kaya nga, bakit kailangan mo pang bumalik doon kung pwede ka naman dito. Hindi naman kita pinahihirapan diba?”“Mas malapit nga kasi iyon sa university.” “Kung iyon lang ang problema mo ay pwede naman kitang ihatid araw-araw para hindi mo na kailangan pang umuwi.” sabi nitong muli sa kaniya. “Kahit ihatid sundo pa kita kung iyon lang a

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 166

    PAGKAPASOK NILA sa loob ay agad na siyang tinanong ni Lawrence at mukhang hindi na ito talaga nakapagpigil pa. “Ayaw mo ba talagang pakasalan ako?” may bahid ng inis na tanong nito sa kaniya. Hindi niya maiwasang hindi maging masaya sa loob-loob niya dahil iyon pala talaga ang ikinagalit nito.Sa halip ay ngumiti siya rito ng matamis bago sumagot. “Bakit sana ayaw ko na pakasalan ka? May dahilan ba ako para tumanggi sayo?”Napalabi naman si Lawrence at naupo sa may sofa. “E bakit mo sinabi iyon kay Daddy kung gusto mo naman pala akong pakasalan?” tanong nito sa kaniya.Umupo siya sa tabi nito. “Nagbibiro lang naman ako e. Hindi ko alam na magtatampo ka pala.” sabi niya rito at pagkatapos ay inilapit ang mukha sa mukha nito. Ang kanyang mga mata ay nagniningning sa labis na kasayahan samantalang ito ay mukhang naiinis na.Sinamaan siya nito ng tingin. “Sa susunod ay pwede bang huwag kang magbiro ng mga katulad nun? Alam mo ba kung paano ako natakot? Akala ko ay may nagawa na naman ako

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 165

    AGAD NIYANG NILINGON si Lawrence para pagalitan. “Lawrence naman, paano mong nagagawang pagtaasan ng boses ang DAddy mo?” tanong niya rito.“Huwag mo na siyang pagalitan hija, mukhang natatakot lang ang anak ko na baka magbago na naman ang isip mo.” nakangiting sabi nito na para bang iniinis pa lalo si Lawrence.“Dad, pwede bang saka niyo lang ako kausapin? Umuwi na muna kayo.” sabi nito.“Lawrence!” mabilis niyang saway dito at pagkatapos ay sinamaan niya ito ng tingin nang marinig niya ang sinabi nito. Paano nito nagagawang itaboy ang sarili niyong ama ng ganun na lang? Hindi ba parang napakawalang respeto naman nito masyado kung ganun?Napabuntong hininga ang matanda. “Alam kong gusto mong masakama si Asha nang kayong dalawa lang at hindi naman kita pinagbabawalan sa gusto mong iyon kaya lang ay gusto ko lang naman siyang tanungin.” sabi nito at bigla siyang binalingan nito. At muling ibinalik ang tingin kay Lawrence. “Gusto mo bang pakasalan si Asha?”Hindi naman makapaniwalang na

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 164

    NANLAKI ANG kanyang mga mata. “Ewan ko sayo!” saway niya rito. “Kumain na nga lang muna tayo.”“Hindi pa ako nagugutom.” mabilis naman na sagot nito sa kaniya.“Kung hindi ka kakain ay wala kang magiging lakas kaya mas maganda pang kumain ka na muna.” sabi niya rito.“Kailangan kong kumain para magkaroon ako ng lakas para makailang rounds ulit sayo?” ngiting-ngiti na tanong nito sa kaniya.“E kung batuhin kaya nitong sandok?” nanlalaki ang mga mata niyang tanong dito. Ilang sandali pa aya sabay silang natigilan nang bigla na lang tumunog ang doorbell. Napataas ang kanyang kilay habang nakatingin kay Lawrence. “Sino kaya yun? May inaasahan ka bang bisita?” Nagkibit balikat lang naman ito sa kaniya. “Wala naman. Isa pa, wala namang pumupunta ditong iba.” sagot naman nito sa kaniya sa halip ay pinagkrus niya ang kanyang mga kamay sa kanyang dibdib at sinamaan ito ng tingin.“Magsabi ka nga ng totoo, may iba ka bang babae bukod sa akin?” nakataas ang kilay niyang tanong dito.“Huh? Wala

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 163

    NAGISING SI ASHA na sobrang sakit ng katawan niya. Marahil dahil sa pagniniig nila ni Lawrence kagabi. Hindi ba naman siya nito tinigilan hanggang sa nagmaakawa na siyang tumigil na dahil halos wala ng lakas ang katawan niya.Napahilamos siya sa kanyang mukha. Para itong hindi nasugatan kung umasta. Mabilis siyang bumaba ng kama para maligo at pagkatapos ay kumuha ng damit ni Lawrence para isuot niya muna pansamantala dahil wala na rin siyang damit. Hindi pa niya nalabhan ang mga dinala niya sa ospital kaya kailangan niya pang manguha sa condo niya ng mga damit niya.Dahil nga mas maliit siya ay halos hanggang hita niya ang damit ni Lawrence. Nang matapos siyang magbihis ay hindi niya sinasadyang malingon si Lawrence na natutulog pa rin ng mga oras na iyon. Lumabas na muna siya. Wala siyang maisip na pwedeng lutuin, nakita niya ang ilang cup noodles doon at iyon na lang ang naisip niyang ipakain dito.Naghanda siya ng dalawa at pagkatapos ay binitbit iyon pabalik sa silid ni Lawrence.

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 162

    SUMIMANGOT ITO at pagkatapos ay umalis sa ibabaw niya at isinuot ang boxer nito bago humiga sa tabi niya. “Ang sama mo.” sabi nito sa kaniya at tiningnan siya ng masama. “Kung magpapatuloy ka pa sa kagaganyan mo sa sofa na talaga ako matutulog.” pananakot niya rito habang inaayos ang sarili niya,“Matulog na lang tayo.” sabi niya at humiga na rin sa tabi nito.Napabuntong hininga lang ito. “Sige na nga.” sabi nito at muli siya nitong niyakap bago nito hinalikan ang noo niya. “Sweet dreams, Asha.” masuyong bulong nito.Ipinikit niya na rin ang kanyang mga mata. Sa totoo lang ay wala siyang tiwala dito na titigil na ito sa panunukso sa kaniya lalo pa at hindi nito nakuha ang gusto nito. Mabuti na lang at hinid naman na ito gumalaw pa nang sinabi nitong matutulog na ito at dahil doon ay hindi na rin niya namamalayan ay nakatulog na rin siya.~~~ISANG ARAW PA ang lumipas ay tuluyan na ring nakalabas si LAwrence. Sa condo nito ito nagpadiretso at hindi sa mansyon. Kung siya ang ang tatan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status