Tinitigan ko siya ng hindi makapaniwala. Pambihira. Ang kapal nga naman talaga ng mukha ng babaeng to. Sino siya para utusan ako? I held up my chin and look straight into her eyes, "Bakit? Kung lalayuan ko ba siya sa tingin mo makukuha mo siya? Sa tingin mo ba makukuha mo ang pagmamahal niya? Ang loob niya? Hindi. Dahil nasa akin na ang puso niya. Nakakabit na iyon sakin, nakakandado na. Ako lang ang mahal at ang mamahalin niya." Puno ng kumpyansa kong usal na ikinamula niya sa galit. "Walang sa'yo, Agathe. Ako ang nakauna sa kaniya kaya akin lang siya. Ako ang una niyang minahal, ang una niyang inangkin at ang pinakasalan niya." Mariin niyang bulalas saka tumawa. Tawa na parang baliw, "Ikaw, mahal niya? Paano ka naman niya pipiliin? Walang pipili sa katulad mong dukha. Eskwater, hampaslupa—" Hindi siya pinatapos, kaagad dumapo ang palad ko sa pisngi niya. Malakas iyon, rinig sa buong silid ng kusina. Nagngingitngit ang ngipin at nanlilisik ang aking mga mata habang nakatitig s
Last Updated : 2025-11-02 Read more