DIRE-DIRETSO ANG LAKAD ni Everly patungo sa sofa habang nakasimangot na sa ama. Ilang beses niya rin itong inirapan. Alam niya kung sino ang tinutukoy ng ama. Hindi na niya kailangan pang tanungin dahil alam naman niyang si Roscoe pa rin ang paksa na kanilang nais na pag-usapan at ayaw niya na doon. “Still glaring at me? Sa kabila ng mga ginawa niya sa’yo, mahal mo pa rin? Aba, gumising ka na nga!” patuloy ng amang hindi nagpaawat kahit na alam niyang hindi na maganda ang timpla ng anak.“Dad, hindi naman iyon ganun kadali—” “Pilitin mo! Akala ko ba tanggap mo na? Huwag ka ng magpapaloko sa kanya. Kapag iyan minahal mo pa rin sa kabila ng mga ginawa niya sa'yo, katangahan na ang tawag diyan at hindi pagmamahal na tunay.” “Pinipilit ko naman, Daddy, pero huwag mo akong madaliin na kalimutan siya sa dami ng pinagsamahan namin. Ilang taon din iyon, hindi ba? Saka, huwag niyo na akong pakialaman. I can managed myself!”“Ilang taon na ikaw lang ang nagmamahal.” pagtatama ng ama na ikina
Last Updated : 2025-05-22 Read more