Share

Chapter 50.2: Noodles

last update Last Updated: 2025-05-24 19:49:55

THE STREET LIGHTS were turned back. It was already late at night, but the number of cars on the street did not decrease at all. Ibinaling na ni Everly ang mga mata sa labas ng bintana. Noon niya lang napansin na hindi patungo sa mansion nila ang kalsadang binabagtas ni Roscoe. Kinabahan na siya sa kung saan na naman siya nito planong dalhin ngayon. Nilingon na niya ang asawa sa harap ng manibela upang sabihin ang nilalaman ng kanyang isipan ng mga sandaling iyon.

“Gusto ko ng umuwi, Roscoe…”

Hindi siya pinansin ni Roscoe na tuloy lang sa pagmamaneho na patungo na noon ng kanilang villa. Una pa lang, wala na sa plano niyang i-uwi ang asawa sa mansion nila. Hinihiling ng kanyang katawan na iuwi ito ng villa kay ito ang ginawa.

“Hindi ka ba natatakot na mahuli ka ni Lizzy ulit?” subok ni Everly na banggitin ang pangalan ng babae, nagbabakasakali siyang kapag ginamit niya ito ay mahimasmasan ang asawa at matakot dito. Subalit nabigo lang siya. “Roscoe? Uuwi ako.”

Naging lagpasan lang iyo
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 55.1: Thirty Million

    NAPATAYO NA DOON si Roscoe na hindi na nagustuhan ang kanyang sinabi. Totoong galit na siya kay Everly ngayon. “Tinatakot mo ba ako? Ikaw na nga ang nagkasala sa akin tapos ako pa ngayon ang tinatakot mo?” hindi makapaniwala ang mga mata ni Roscoe habang nakatingin sa kanyang asawa, umaahon na naman ang galit sa ibabaw ng dibdib niya.Umayos na ng tayo si Everly na tiningnan na din ng seryoso ang mukha ni Roscoe.“Hindi kita tinatakot, Roscoe. Nagpapaliwanag lang naman ako.” May inilapag si Roscoe na papel kung saan nakalagay kung magkano ang kanyang kailangang bayaran. “I hope mabayaran mo siya agad dahil kung hindi ay paniguradong magkikita tayo sa court.” Dumukwang palapit doon si Everly at binuklat na ang papel upang tingnan kung magkano ang babayaran niya. Kulang na lang ay lumuwa ang kanyang mga mata nang makita ang halagang nakalagay doon. Kung tutuusin ay barya lang iyon sa kanya pero nungkang bibigyan niya ito ng ganung halaga. Thirty million? Sinisingil siya nito ng thir

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 54.3: Aso?

    NANGHIHINANG NAPAUPO NG muli si Everly sa kama. Pakiramdam niya ay nawala ang kanyang kagustuhan magtungo ng banyo. Para siyang sinaksak ng harapan ni Monel nang hindi niya alam kahit na dilat na dilat ang kanyang mga mata.“Isa pa Boss, gusto mo bang ma-expose ang S Camp? Kapag na-exposed ang camp, malalaman din nila na si Lord S ay ikaw. Tama ang ginawa ko hindi ba? Tama ang naging desisyon ko. Kayang-kaya mo namang lusutan iyon sa kanya.”Hindi pa rin nagsalita si Everly na masama pa rin ang loob sa lalaking pinagkatiwalaan niya nang sobra. “Boss, naniniwala akong naiintindihan mo ako. Kausapin mo naman ako, Boss. Pasensya na talaga.” Bumigat pa ang paghinga ni Everly, hindi na niya maipaliwanag ang labis na galit na nasa katawan niya. Alam niyang maganda ang hangarin ni Monel, pero hindi niya pa rin matanggap ang bagay na iyon. Nahihirapan siyang lunukin iyon. Kusa na niyang pinatay ang tawag dahil sa pagkalito sa isipan na kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Napapitlag

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 54.2: Asawa pa Rin

    TUMANGO LANG SA kanya si Lucy, ilang minuto pang naburo ang mukha kay Everly. Noon pa man, magaan na ang loob niya kay Everly na halos ang turing na rin niya dito ay anak. Kaso, noong makaaway ito ni Lizzy, sumama ang loob niya sa babae kagaya ng nararamdaman ni Lizzy kung kaya naman nagalit na rin siya at nagbago na ang pakikitungo dito. Marahil ay dahil naaalala niya sa kanya ang tunay niyang anak na si Emerald. Kung hindi lang ito nawala, paniguradong ito ang ipipilit niyang ipakasal sa isang Roscoe De Andrade. Kaso, hanggang sa mga sandaling iyon ay ‘di pa ito nahanap.“Mabuti naman kung ganun.” Hindi na nakatiis pa doon si Sheena. Napupuno na siya sa kasamaan ng ugali ng ina ni Lizzy. “Alam niyo po, Mrs. Rivera, gaano man kabagay si Roscoe at ang anak niyong si Lizzy, hindi pa rin noon mababago ang katotohanang side chick siya hangga’t may bisa pa ang kasal ni Everly sa kanyang asawa. Sana ay alam niyo po iyon.”Matalim ang mga matang hinarap na ni Lucy si Sheena. Hindi naman i

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 54.1: Mrs. Rivera

    HINDI NA NA-SURPRESA pa si Everly sa naging suggestion na iyon ni Harvey. Walang sinumang lalaki ang mabait sa isang tao kung wala itong ibang intensyon. Isa pa, umamin naman ang lalaki sa kanya noon na may gusto sa kanya. “Hindi pa kami divorce, Harvey.” “Alam ko.” “Alam mo naman pala, gusto mo bang magaya kay Lizzy na kabit?” may himig ng pagbibiro iyon ni Everly. “Kung iyon ang tawag doon, handa ko siyang tanggapin na label natin.” Tumawa lang si Everly. Nakakatuwa ang pagiging makulit nito, ngunit para sa kanya ay wala naman siyang plano na kumuha agad ng lalaking ipapalit kay Roscoe. Magiging unfair siya sa lalaki kung gagawin niya ang bagay na iyon.“Sa totoo lang, Harvey, wala akong planong magsimula agad ng panibagong relasyon oras na maghiwalay kami.” hindi nakatiis ay sinabi niya rin dahil ayaw niyang i-reject ang lalaki dahil lang ayaw niya dito, gusto niyang maunawaan siya. “Handa naman akong maghintay kung kailan ka na ready, Everly…” Hindi na si Everly nagsalita p

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 53.3: Subukan

    TUMALIKOD NA SI Everly, pumunta siya doon pero wala naman siyang planong magpakita sa kanila. Tumalikod na siya at humakbang na palayo. Narinig niya ang pintuan na bumukas kung kaya naman agad siyang natigilan sa paghakbang lalo na nang may magsalita sa likod. “Everly?” Napilitang lumingon si Everly kay Lorenzo na lumabas upang magbayad sa cashier. Tumango lang si Everly at kapagdaka ay malaki na ang mga hakbang na naglakad papalayo sa lugar. Sumunod si Roscoe na lumabas nang marinig na may kausap si Lorenzo. Tanging likod na lang ng kanyang asawa ang nakita niya niya na nagkukumahog na makalayo sa lugar na ito.“Si Everly…” sambit ni Lorenzo kahit na batid niyang nakita naman iyon ni Roscoe.Pinagmasdan ni Lorenzo na tumango lang si Roscoe habang nakatingin pa rin sa kung saan nawala si Everly. Tinapik niya ang balikat ng lalaki. Nakita niyang puyat na puyat na ito. Hindi nito iniwan buong magdamag ang kanyang kapatid sa takot na may gawin na namang katangahan kung kaya naman ganun

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 53.2: Pagtatangka

    PAYAK NG NATAWA si Everly sa linyang pinakawalan ng kapatid ni Lizzy. Talaga? Lakas-loob na sinasabi iyon ng lalaki sa kanya? Ang kapal naman! Sinalubong niya ang mga tingin nito. “Magandang advice iyan. Bakit hindi mo kaya iyan sabihin sa kapatid mong ayaw bumitaw sa hindi niya naman pag-aari? Una pa lang, alam niya ng may gusto ako kay Roscoe kaya huwag mong igiit na ako ang nang-agaw sa aming dalawa. Lantad sa kanya iyon, sa inyo dahil dati ko siyang kaibigan. Maatim mo ba na tawagin ang kapatid mo na side chick ng maraming tao dahil hindi pa naman kami divorce? Sana ay naiintindihan mo ang punto ko.” Lumalim pa ang tingin niya sa mga mata ni Everly. Napakurap siya nang makita niya sa mga mata nito ang mata ng kanilang ina. Pakiramdam niya ay may pagkakahawig ito sa kanya. Everly bears some resemblance to his mother when they were young kung kaya naman ay nagkaroon siya ng kakaibang idea. Idea na alam niyang isang malaking kalokohan ng isipan.“Hindi ka naman niya mahal kaya baki

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 53.1: Payong

    NATAPOS ANG KANILANG hapunan nang tahimik at wala ng sinumang nagsalita. Inihatid pa ni Everly ang matanda sa kanyang silid at nagbilin sa maid na kapag may hindi magandang naramdaman ang matanda ay dalhin na agad sa hospital. Hindi na nila kailangan pang maghintay ng go signal. Isugod na ito kaagad doon.“Sige po…”Isang paalam pa at tuluyan nang lumabas ng silid ng matanda si Everly. Sinundan naman siya ng tingin ng matanda hanggang sa tuluyang makalabas ng silid. Tuloy-tuloy na humakbang si Everly patungo ng sala. Naabutan niya si Roscoe doon na hindi mapakali. Panay ang mura nito habang nakatingin sa cellphone niya. Sa reaction pa lang ay alam na agad ng babae kung ano ang prino-problema ni Roscoe sa kanyang cellphone.“Nagpapahinga na si Lola, maaari na tayong umalis…” Tiningnan lang siya ni Roscoe at kapagdaka ay pamartsa na itong lumabas. Sumunod sa kanya si Everly. Naka-taxi lang siya patungo doon kung kaya naman wala siyang choice kung hindi ang makisabay dito. Malayo pa nam

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 52.3: Sunud-sunuran

    NAPIPILITANG NAUPO SI Lizzy kahit na ang dami pa sana niyang gustong sabihin. Nilingon na si Roscoe na katabing nakaupo sa harapan niya at sa gilid nito ay naroon si Everly. Siya dapat iyon. Kailangan na mapalitan na niya ang pwesto ni Everly sa lalong madaling panahon para siya na ang palaging katabi ng lalaki. Mahinhin na kumuha ng pagkain si Lizzy. Panay ang sulyap muli kay Roscoe na para bang hinihintay nitong lagyan siya ng pagkain kagaya ng panaka-naka nitong ginagawa kay Everly na walang pakialam dito. Hindi nakaligtas iyon sa paningin ng matanda na may ideyang nabuo sa kanyang isipan para mang-asar pa. “Roscoe, lagyan mo man lang ng tubig ang asawa mo. Hindi mo ba nakitang ubos na ang laman ng baso?” Natigilan sila sa pagkain, maging si Everly na kaya namang gawin iyon dahil malapit lang ang pitsel.“Lola, huwag niyo po akong alalahanin. Kaya ko pong—” “Hija, dapat paminsan-minsan pinagsisilbihan tayo ng mga partner natin. Kung hindi ‘to sasabihan si Roscoe hindi gagalaw. N

  • Rekindled Romance After Divorce   Chapter 52.2: Unwanted Visitor

    MASAYANG PINAGSALUHAN NILA ang pagkaing inihanda ni Donya Kurita sa kanila. Hindi mapawi ang ngiti ng matanda na para bang iyon ang unang beses na nakita niya ang mag-asawa at nakasabay na kumain. Lumapad pa ang ngiti niya. “Kumusta naman kayong dalawa nitong mga nakaraan?” “Ayos lang, Lola.” si Roscoe ang sumagot. Tahimik lang na kumain si Everly. Batid naman ng matanda kung okay ba silang mag-asawa o hindi. “Nakita ko ang viral online na pictures niyong dalawa.” lantarang turan pa nitong mas tumingkad ang ngiti sa labi niya. Natigil sa pagkain niya si Everly na halatang hindi inaasahang babanggitin ng matanda ang tungkol doon at gagawing topic. Para sa babae ay sobrang nakakahiya na makita ang larawan nilang ganun ni Roscoe na dapat ay private lang nila.“Mukhang nagkakamabutihan na kayo, sana tuloy-tuloy na iyan. Bigyan niyo na rin kami ng apo. Huwag ng patagalin.”Malakas na napahagalpak na ng tawa si Everly. Naghalikan lang sila, biglang napunta sa baby? Ano iyon nakakabunti

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status