Halos hindi makakilos si Laica sa kanyang kinauupuan habang sinusundan ng tingin ang mag-anak na lumapit sa mesang kinaroroonan nila. Ang banyagang babae ay agad na nakipagbeso sa ina at ama ni Hendrick. Maging ang dalagita ay ganoon din ang ginawa. Habang ang lalaking kahapon pa gumugulo sa isipan niya ay nasa may panig ni Benedicto at nakangiting kausap ang matandang lalaki.“The food will be served in a minute. Inihahanda na ng mga kitchen staff,” imporma pa ng lalaking kamukha ng kanyang ama. Nakangiti ito hanggang sa unti-unti ay naging seryoso ang ekspresyon sa mukha nang mapabaling ang mga mata sa direksyon nila ni Hendrick. “Hendrick,” anito pa sabay sulyap din sa kanya.“Good evening, Uncle Benjamin... Auntie Irina,” magalang na bati ng kanyang asawa.“Hi, Hendrick. It’s nice to see you again,” narinig niya namang wika ng banyagang babae sabay lapit sa asawa niya para makipagbeso rin. Hanggang sa katulad kay Benjamin ay mataman ding napatitig sa kanya si Irina saka muling nag
Last Updated : 2025-06-26 Read more