Tuwid na napatayo si Laica nang tuloy-tuloy na naglakad si Valentino papasok sa kanilang bakuran. Madali iyong nagawa ng matandang lalaki dahil sa nakabukas ang gate ng bahay. Naglakad nga ito palapit at huminto ilang hakbang na lamang ang layo mula sa kanya.Laica swallowed hard as she followed the old man with her gaze. Halata na rin ang katandaan dito at hindi rin maikakaila ang nakangingilag na awrang mayroon ito. Katunayan, ito ang uri ng tao na katatakutang lapitan ninoman dahil sa paraan nito ng pagkilos. He looked dangerous... o marahil, kaya ganoon na lamang ang impresyon niya rito ay dahil sa minsan na niya itong nahuling gumagawa ng kasamaan noon.“Magandang araw... Laica,” wika nito. Mababa ang tinig ng matandang lalaki pero bakas ang diin ng pagkakabigkas nito sa bawat salita, lalong-lalo na sa kanyang pangalan.“M-Mr. Amador,” nauutal niyang saad kasabay ng disimuladong pag-atras palapit kay Luke. Ngayon ay nasa may entrada na rin siya ng bahay, halos nakaharang sa kanya
Terakhir Diperbarui : 2025-07-30 Baca selengkapnya