Share

CHAPTER 47

last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-17 22:18:14

Agad na napalingon si Laica kay Hendrick nang maramdaman niya ang masuyong paghawak nito sa kanyang kamay. Isang ngiti rin ang nakahanda sa mga labi nito para sa kanya bago nagsalita. “Relax, everything will be okay,” marahan nitong saad sabay pisil sa kanyang kamay.

Hindi siya sumagot dito at sa halip ay tipid na lamang na ngumiti. Umayos na siya sa pagkakaupo at itinuon na ang kanyang mga mata sa entrada ng restaurant na kinaroroonan nilang mag-asawa--- ang restaurant na pag-aari ng kanyang amang si Emil.

Hindi maitatanggi ni Laica ang kabang nasa kanyang dibdib. Kanina pa sila naroon ni Hendrick at hinihintay ang pagdating ng kanyang kapatid na si Luke at ng kanilang Tita Beth. Nakapuwesto sila malapit lamang sa may entrada ng restaurant para madali lang silang makita ng dalawa.

It has been three days since her father went to Hendrick’s condo unit. Humiling ito na makita rin ang kapatid niya, bagay na nahirapan pa siyang pagdesisyunan. Nakadarama siya ng hinanakit para sa kanilang
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (8)
goodnovel comment avatar
Deth Rosario
lagi nalang ito nababasa ko sa comment section dami reklamo ih..kung ayaw mu sa story d wag mu basahin.hndi yun tapos agad wala p nga sa kalahati mdami p problema yun mga character dito.
goodnovel comment avatar
Yvette Stephanie
paano po ninyo nasabi na hindi ko na alam kung paano ang kwento? fyi, bago po namin mailagay sa GN app ang kwento, buo na po ang plot niyan dahil ipinapasa po iyan sa editor (mula simula hanggang wakas). kaya alam ko po kung ano ang takbo ng kwento dahil may outline po iyan.
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
kalma lng po,mrami pa po problema sila laica at henrick,jn pa Valentino,si Rocco mghihanti pa yan si henrick Ky Rocco.
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 47

    Agad na napalingon si Laica kay Hendrick nang maramdaman niya ang masuyong paghawak nito sa kanyang kamay. Isang ngiti rin ang nakahanda sa mga labi nito para sa kanya bago nagsalita. “Relax, everything will be okay,” marahan nitong saad sabay pisil sa kanyang kamay.Hindi siya sumagot dito at sa halip ay tipid na lamang na ngumiti. Umayos na siya sa pagkakaupo at itinuon na ang kanyang mga mata sa entrada ng restaurant na kinaroroonan nilang mag-asawa--- ang restaurant na pag-aari ng kanyang amang si Emil.Hindi maitatanggi ni Laica ang kabang nasa kanyang dibdib. Kanina pa sila naroon ni Hendrick at hinihintay ang pagdating ng kanyang kapatid na si Luke at ng kanilang Tita Beth. Nakapuwesto sila malapit lamang sa may entrada ng restaurant para madali lang silang makita ng dalawa.It has been three days since her father went to Hendrick’s condo unit. Humiling ito na makita rin ang kapatid niya, bagay na nahirapan pa siyang pagdesisyunan. Nakadarama siya ng hinanakit para sa kanilang

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 46

    Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ni Laica habang nakatitig siya sa lalaking kanyang kaharap. Napahigpit pa nga ang hawak niya sa doorknob ng pinto at hindi malaman kung ano ang magiging reaksyon pagkakita rito. Ni sa hinagap ay hindi niya inisip na sasadyain siya nito roon sa condo unit ni Hendrick.“A-Ano... ano ang ginagawa mo rito?” tanong niya sa walang emosyong tinig.“Can we talk, Laica?” malumanay nitong wika sa kanya--- ang kanyang ama, si Emil na mas kilala ng iba ngayon bilang si Benjamin.Ilang saglit siyang hindi tuminag sa kanyang kinatatayuan at mataman lamang na napatiitg sa mukha nito. Pilit niyang pinakiramdaman ang kanyang sarili. Gusto niyang hanapin sa kanyang dibdib ang nangungulilang emosyong dapat ay maramdaman niya para rito. All these years, that was what she was feeling for her parents. She was longing for both of them and was wishing to see them again.Pero hindi niya alam kung bakit hindi niya makapa sa kanyang sarili ngayon ang damdaming iyon na namahay

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 45

    “I still can’t believe it. Talagang anak ni Benjamin si Laica? What a small world, indeed,” hindi makapaniwalang saad ni Teresa sa kanila. Nakaupo ito sa pang-isahang sofa na nasa loob ng study room ng kanyang Lolo Benedicto.Hendrick heaved out a deep sigh after hearing what his mother said. Kausap niya ang kanyang ina, kasama ang kanyang ama at abuelo. Kasalukuyan nga siyang nasa bahay ng matandang Montañez at sa totoo lang ay siya ang humiling na magkaharap-harap silang apat. Iyon ang dahilan kung bakit naroon din ang mga magulang niya sa bahay ng kanyang lolo.Nasa loob sila ng study room ni Benedicto. Nakaupo sa swivel chair ang matandang lalaki. Ang kanyang ina ay nakapuwesto nga sa pang-isahang sofa habang magkatabi naman silang mag-ama sa mahabang sofa. Kanina pa sila nag-uusap-usap at hindi pa nga maiwasang maging paksa nila ang tungkol kina Laica at Benjamin.“Sa tagal naming magkakilala ni Benjamin, ni minsan ay hindi niya man lang nabanggit sa akin na may nauna siyang pami

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 44

    Agad na naimulat ni Laica ang kanyang mga mata nang maramdaman niya ang marahang paghaplos ni Hendrick sa kanyang kanang pisngi. They were still lying on the bed and both naked after the lovemaking that they did on that bedroom. Hindi niya pa nga napigilang makadama ng hiya, higit para sa kanyang sarili, sa tuwing maiisip ang nangyari kanina.Nagtungo sila sa ikalawang palapag ng bahay na pinagdalhan nito sa kanya at sa muli ay hindi napigilan ni Laica ang humanga. Kabuuang anim na silid ang nasa ikalawang palapag, maliban pa sa entertainment area at malawak na teresa kung saan kita ang buong bakuran ng naturang bahay.Hendrick guided her to the master’s room that according to him, would be their room. Katulad sa ibaba ay may mga gamit na rin sa itaas. Sa kanilang silid ay may king size bed na tanging puting bedsheet pa lamang ang nakalatag. May walk-in closet din na nang pasukin niya ay halos magpamangha sa kanya. Malawak kasi iyon na pakiramdam niya ay kasinglaki na ng dating bahay

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 43

    “Sa susunod naming laro, baka puwede kang manood, Ate, para naman makita mo kung gaano kagaling maglaro ng basketball itong kapatid mo,” pabirong saad ni Luke kay Laica habang abala sa pagdidilig ng mga halaman sa harap ng bahay ng mga ito.Hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa mga sinabi ng kanyang kapatid. “Napakayabang mo talaga,” ganting biro niya.“Yabang?” anito at saglit pa siyang nilingon bago muling itinuon ang mga mata sa mga halaman. “Hindi iyon pagyayabang, Ate.”She chuckled as she was intently looking at him. Hapon na iyon at kasalukuyan pa rin siyang nasa bahay na tinitirhan nina Luke at ng kanilang Tita Beth. Doon na siya nananghalian at naghihintay na lamang na sunduin siya ni Hendrick. Ayon sa kanyang asawa ay maaga itong aalis sa trabaho dahil may pupuntahan silang dalawa. Kung saan man iyon ay hindi niya pa rin mahulaan.Ang mga nagdaang oras ay inilaan niya sa pakikipag-usap sa kanyang kapatid at tiyahin nila. Tamang-tama at walang pasok sina Luke sa araw na iyo

  • Savage Billionaire Series 7: Hendrick Montañez   CHAPTER 42

    Hindi na alam ni Hendrick kung gaano na niya katagal na pinagmamasdan si Laica habang natutulog. Halos mag-aalas onse na ng gabi at kanina pa nakatulog ang kanyang asawa habang siya ay hindi pa dinadalaw ng antok. Nakaupo lamang siya sa tabi nito at nakasandal pa ang likod sa headboard ng kama samantalang si Laica ay mahimbing nang nakahiga.Naiangat niya pa ang kanyang kanang kamay at agad na hinaplos ang buhok nito. Ni hindi niya mapuknat ang paninitig sa kanyang asawa. Nakatagilid ito paharap sa kanya dahilan para malaya niyang makita ang mukha nitong may bakas pa ng labis na pag-iyak na ginawa nito kanina.He couldn’t help but to pity her. Dama niya ang labis na sakit at hinanakit ni Laica at hindi niya ito masisisi kung makaramdam man ng ganoon. Sino nga ba ang mag-aakala na buhay pa ang ama nito? Ang buong akala niya rin ay ulilang lubos na ito at si Luke at tanging ang tiyahin ng mga itong si Beth na lamang ang kasama sa buhay. Iyon pala, ang lalaking matagal na niyang nakilala

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status