"Pero... kumikita ako ng malaki ron, Susan. Hindi ako kilala ng mga tao dahil nakasuot ako ng mask. Nakikilala nila ako bilang si Medusa, pwede kang sumama sa akin pero bawal tayong mag-usap at baka kung sakaling makita tayo ni ninong ay baka magduda pa siya kung sino nga ba talaga si Medusa." "May itatanong ako sa'yo. Sa bar na iyon ba ay nagkaroon din ba ng interes sa'yo si Mr. Sy?" "Bakit mo naman naitanong?" "Dahil posibleng pwede niyang alamin ang tunay mong pagkatao kung sakaling darating siya sa punto na lumalim ang pagkagusto niya sa isang Medusa lalo na at pa-mysterious ang dating mo dahil sa suot mong maskara." May punto rin ang kanyang kaibigan at mukhang kailangan nga niyang mag-ingat, pero paano nga ba kung huli na pala ang lahat? "Pero walang records ang bar na iyon sa tunay kong pagkatao." "Kahit na, makapangyarihang tao si Mr. Sy at isang pitik lang ay makikilala niya ang Medusa na nasa likod ng maskara. Mas lalo lang siyang maiinis sa'yo kung sakali." "M
Terakhir Diperbarui : 2025-05-22 Baca selengkapnya