Dinala ko si Baby Rio sa isang lugar kung saan nais kong kaming dalawa lang. Kaya narito kami sa isang children's park kung saan maraming bata ang naglalaro. "Tito ang bola ko!" Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang sigaw ng isang batang lalaki. Nakasunod dito ang isang lalaki. Dinampot ko ang bola at nakangiting ibinigay sa batang lalaki. "Sa'yo ba 'to?" "Opo, salamat po, ma'am.""You're welcome.""Baby niyo po?" "Yes," sagot ko."Clyde!" tawag ng lalaki. Nagtagpo ang aming mga tingin. Nahihiyang ngumiti ako rito. "Tito wait!" sagot ng batang si Clyde. "I'm Clyde, how about you po?""I'm Lorna, and this little one is my Baby Rio," nakangiting pakilala ko.Narinig ko ang ilang yabag ng lalaki na Tito kuno ni Clyde. Lumapit ito kinaroroonan namin ni Baby Rio. "I'm so sorry kung naistorbo kayo ng pamangkin ko," hinging paumanhin ng Tito ni Clyde. May dimples ito sa magkabilang-pisngi. Masasabi kong napaka-gwapo nito. "No, hindi naman siya naka-istorbo. Isa pa, gising naman ang
Last Updated : 2026-01-08 Read more