"May problema ba?" tanong ni Mia sa kanya. Kasalukuyang patungo sila sa unibersidad kung saan siya mag-aaral. "I'm fine, hindi lang kasi maganda ang pakiramdam ko, Mia," sagot niya sa kaibigan. Kumunot ang noo ni Mia nang pagmasdan siya. "Sandali, namumutla ka.""S—Sigurado ka?" "Oo, ang mabuti pa magpahinga ka na lang kaya muna. Hindi rin kasi maganda sa katawan mo iyang pagpupuyat mo sa trabaho lalo na at hindi ka pa sanay. Tapos nag-overtime ka pa," ani Mia sa kanya. "Pero kailangan kong kumita ng pera para sa pag-aaral ko, Mia. Ayoko rin namang umasa sa inyo ni Susan. Sobra-sobra na rin ang naitulong niyo sa akin at nahihiya na ako," aniya."Ano'ng silbi ng pagkakaibigan kung ganyan rin lang ang tingin mo sa amin? Hindi pwedeng abusuhin mo ang katawan mo, Lorna. Komportable ka ba ron sa bago mong apartment?""Oo naman, wala namang problema," sagot niya kay Mia. Ang totoo, hindi maganda ang kanyang pakiramdam at palagi na lamang siyang nahihilo. Kung ang bagong apartment lang n
Last Updated : 2025-07-16 Read more