Chapter 332 “Kung wala silang makuhang impormasyon…” bulong ko habang pinipisil ang phone sa palad ko, “…ako mismo ang gagawa ng kuwento. Isang kasinungalingang kasing-talim ng katotohanan.” Umayos ako sa pagkakaupo sa loob ng kotse, nilabas ang isa pang burner phone—hindi ito natutunton. Kinuha ko ang contact ni Alfredo, isang dating entertainment journalist na kilalang bayaran kapalit ng intriga. “O, Olivia? Long time no chaos.” “Gusto mo ba ng exclusive? May bagong babae ang Montero Family—di mo pa kilala, pero isa raw siyang ex-convict. Kakasuhan sa ibang bansa, pero tinago ang record.” “…putok na chismis ‘yan, sure ka?” “Hindi ko kailangan maging sigurado, Alfredo. Ang kailangan ko lang, lumabas sa headline. Bukas ng gabi, dapat trending na siya. Lagyan mo ng mga salitang ‘dangerous past’, ‘fake identity’, ‘pregnant for power’—gets mo?” “As always, Miss Fernandez. I know how to ruin reputations.” “Good. Padala ko sa’yo ang edited photo at dummy documents mamaya. G
Last Updated : 2025-07-19 Read more