Pinagmasdan ko ang cellphone ni Jessa habang iniisip kung anong klaseng hakbang ang gagawin ko. Hindi ko na kayang tiisin pa ang pakiramdam ng pagiging bihag, ng pag-kulong sa isang mundo na hindi ko pinili. I was desperate for something, anything, that could help me escape this nightmare. So when Jessa offered me her phone earlier, I seized the chance. “Can I borrow your phone?” tanong ko, kahit na may kaba sa aking boses. Ngunit, tila hindi ito napansin ni Jessa, o baka gusto lang niyang magbigay ng kahit anong maliit na tulong. “Sure, Ma’am,” sagot niya ng walang kaabog-abog. Tinutok ko ang mga daliri ko sa screen, ngunit ang tanging naiisip ko lang ay ang pagtawag sa aking ina. Wala na akong ibang maisip kung 'di ang makita ang mukha ng aking pamilya, ang marinig ang boses ni Mommy at Daddy. Tumawag ako, umaasa. Umaasa na sana masagot ng aking ina. Ngunit ilang ulit na ring tumunog ang ringtone bago ito tumigil. Wala akong narinig na sagot mula sa kabilang linya, at naramdaman
Last Updated : 2025-05-01 Read more