Abala sa paglalaro si Alessandro sa field habang nagbabantay sa malayo si Larkin kasama si Berto. Maaliwalas ang umaga, masigla ang tawanan ng mga bata, at tila walang ideya ang lahat na may dalawang lalaki sa paligid na may masamang balak. Pinagmasdan ni Larkin ang bata—malinis ang uniporme, masayahin, at parang walang kamalay-malay sa panganib.“’Yan ba si Alessandro?” tanong ni Berto habang nakasandal sa pader, nagmamasid rin.“Oo,” sagot ni Larkin, malamig ang tono. “Tingnan mo. Hindi man lang binabantayan nang maayos. Busy ang yaya niya sa kakatsika. Perfect timing ‘to, Bert.”“Lark, sigurado ka ba? Anak ‘yan nina Killian at Claudette. Kapag nagkaproblema tayo rito, sigurado akong habol tayo ng pulis buong buhay natin. Baka magaya ako sa 'yo,” bulong ni Berto, halatang kinakabahan.Lumingon si Larkin, diretso ang tingin kay Berto. “May plano na ako. Hindi siya masasaktan. Kukunin lang natin siya, hihingi tayo ng ransom, then ibabalik natin. Wala tayong gagawing masama. Gusto ko l
Last Updated : 2025-10-17 Read more