Nagbago ang ekspresyon niya, halatang interesado sa narinig niya. “Sino siya?”“Si Melissa. Taga HR department daw siya. Bigla siyang pumasok sa pantry habang inaaway nila ako. Sobrang intense niya. Grabe ang pakikipag sagutan niya kila Claire.”Ngumiti si Xian nang bahagya, pero halata pa rin ang inis. “Melissa, huh? Mukhang may back up ka na pala. Mabuti at may kaibigan ka na kaagad doon.”“Oo, pero hindi ibig sabihin na magtatago na lang ako sa likod niya,” sabi ko, tiniyak ko na maintindihan niya ang punto ko. “Kaya ko silang harapin, Xian. Kaya please, hayaan mo ako na ayusin ’to sa sarili kong paraan.”Tumahimik siya ng ilang segundo, pero sa huli, tumango siya. “Okay. Pero kung may sobra pang gawin sila, sabihin mo agad sa akin. Hindi ko hahayaan na maapakan ka.”Ngumiti ako at niyakap siya. “Salamat, love. Naiintindihan mo ako.”“Siyempre naman, hindi ko hahayaang may mangyari saung hindi maganda. At ayokong maranasan mong hindi komportable.” sabi niya habang hinahaplos ang
Terakhir Diperbarui : 2025-07-06 Baca selengkapnya