Kinabukasan abala na naman sa trabaho buong araw. Walang kalagyan ang pagod ko ngayong mga panahon na to. Ang daming meetings at mga pinapagawa ng aming mga boss. Matagal na din ang huling pagtatalik namin ni Xian . May panahong nagu-guilty din ako dahil napapabayaan ko na obligasyon ko sa kaniya bilang asawa. Palagi din siyang nauunang umuwi kesa sakin.Pagpasok ko ng bahay, nandiyan agad si Xian, nakasandal sa counter habang nag-aayos ng baso para sa kaniyang whisky. Kita ko sa mukha niya ang pag-aalala, pero pilit siyang ngumiti nang makita ako."Love," tawag niya, tinanggap niya ang bag ko at agad akong niyakap. "Kamusta ang trabaho mo?""Okay naman, pero sobrang daming ginawa kanina. Nakakapagod," sagot ko, bumuntong-hininga habang sinasandal ang ulo sa balikat niya."Aba love, huwag mong masyadong pagudin ang sarili mo," sabi niya, bahagyang humihimas sa likod ko. "Tara na, kumain na tayo. Gumawa ako ng paborito mo."Napangiti ako, at tila nawala ang pagod ko. “Gumawa ka ng sha
Last Updated : 2025-07-16 Read more