"Ang arte naman ng babaeng ito," bulong ni Ellaine kay Leona, "sampalin ko kaya to?""Wag, buntis yan. Isa pa, hindi namin matutupad ang plano namin na mabawi ang lahat sa kanya kapag may nangyarig hindi maganda diyan." bulong ni Leona, "Hayaan mo na lang muna siyang mag inarte ngayon. Babagsak din naman siya.""Hindi ko matiis. Kita mo nga ha, sa akin dapat naghahabol ang Edward na yan, pero ano? nasa kanya, at yung si Josh, na kanino naman? nasa kaibigan niya, nakakainis!" asar na asar na sabi ni Ellaine."Kasal na sila.." maiksing sagot ni Leona kay Ellaine."Ha?" nagulat si Ellaine ng marinig iyon, "totoo ba?""Oo, totoo.. nito lang nakaraang linggo namin nalaman. Ang problema, nakuha nila ang malaking shares ng kumpanya at nademote si Caleb bilang isang executives na lang," sagot ni Leona. "Kailangan, bawiin muna namin ang lahat, kaya nagtitiis muna ako ng mahabang panahon, ayokong magpadalus dalos..""Okay lang, sayo, sa akin, hindi. Bakit naman siya pakakasalan ni Edward. Isa p
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-06-11 อ่านเพิ่มเติม