Pagkarating niya sa café, agad niyang nakita si Leona. Nakaupo ito sa sulok, gaya ng dati, may hawak na mainit na tasa ng kape at tila kinakabahan. Nang makita siya, agad itong tumayo, ngumiti nang pilit, at kinawayan siya.Umupo si Caleb sa tapat nito, pilit na itinago ang bigat ng emosyon sa kanyang dibdib. Napatingin si Leona sa kanyang mga mata, at tila nakita ang luhang pilit na ikinukubli.“Salamat sa pagpunta,” bungad ni Leona, sabay abot ng isang paper bag. “Pasalubong ko galing Baguio. Naalala ko kasi, gusto mo ng strawberry jam.”Kinuha niya iyon at pinilit ngumiti. “Salamat. Pasensya ka na kung… parang lutang ako ngayon.”“Okay lang,” sagot ni Leona, pinipilit din ang tapang. “Kaya nga gusto kong makipagkita. Kasi… ayokong mas lalo ka pang masaktan. Ayokong isa pa akong maging dahilan ng bigat sa’yo.”Napakunot ang noo ni Caleb. “Anong ibig mong sabihin?”Huminga nang malalim si Leona bago nagsalita. “Caleb, alam kong hindi pa buo ang puso mo para sa akin. Alam kong bahagi
Last Updated : 2025-06-23 Read more