Share

Chapter 109

Author: Middle Child
last update Huling Na-update: 2025-06-16 16:43:51

"Alam niyo kung-- kung sino ang kalaguyo ni mommy?" tanong ni Leona, pilit pinipigil ang namumuong luha sa kanyang mga mata.

Tumango si Raul bilang pagsang-ayon. "Matagal ko nang alam, anak. Ilang taon na rin akong tahimik, dahil ayokong sirain pa lalo ang tingin mo sa nanay mo."

Napaupo si Leona sa sofa, pakiramdam niya'y biglang lumiit ang mundo. Parang lumulubog ang kanyang sikmura, at pinipiga ng matinding kalituhan ang kanyang dibdib.

"Siya si... tita Miraflor, hindi ba?" mahinang tanong niya, bagamat ang sagot ay matagal nang sigaw sa kanyang isip.

Muling tumango si Raul. "Matagal na silang may relasyon. Alam mo bang, bago pa man tayo lumipat ng bahay noon, may mga bulong-bulungan na? Pinagsawalang-bahala ko dahil akala ko chismis lang. Pero may ebidensiya akong nakita."

Napatingin si Leona sa kanya. "Anong ebidensiya?"

"Mga sulat. Liham. Picture. At—" napahinto si Raul, halatang hindi sigurado kung dapat pa ba niyang sabihin, "—at minsan, nasundan ko pa sila. Doon sa Tagaytay.
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 109

    "Alam niyo kung-- kung sino ang kalaguyo ni mommy?" tanong ni Leona, pilit pinipigil ang namumuong luha sa kanyang mga mata.Tumango si Raul bilang pagsang-ayon. "Matagal ko nang alam, anak. Ilang taon na rin akong tahimik, dahil ayokong sirain pa lalo ang tingin mo sa nanay mo."Napaupo si Leona sa sofa, pakiramdam niya'y biglang lumiit ang mundo. Parang lumulubog ang kanyang sikmura, at pinipiga ng matinding kalituhan ang kanyang dibdib."Siya si... tita Miraflor, hindi ba?" mahinang tanong niya, bagamat ang sagot ay matagal nang sigaw sa kanyang isip.Muling tumango si Raul. "Matagal na silang may relasyon. Alam mo bang, bago pa man tayo lumipat ng bahay noon, may mga bulong-bulungan na? Pinagsawalang-bahala ko dahil akala ko chismis lang. Pero may ebidensiya akong nakita."Napatingin si Leona sa kanya. "Anong ebidensiya?""Mga sulat. Liham. Picture. At—" napahinto si Raul, halatang hindi sigurado kung dapat pa ba niyang sabihin, "—at minsan, nasundan ko pa sila. Doon sa Tagaytay.

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 108

    "He-hello?" medyo shocked pa rin ang tinig ni Leona. Parang hindi niya mapigilan ang manginig. Masyado siyang naguluhan sa kanyang mga nakita.Ang pakiramdam niya, kailangan niya ng hangin upang makahinga ng maayos.Hindi niya matanggap sa sarili, na ang mga babaeng pinagkakatiwalaan niya, ay ganun na lang ang gagawin. Panay naman ang kwento niya sa kanyang tita Miraflor ng problema ng kanyang mga magulan, iyon pala, ito mismo ang dahilan.Bakit hindi niya napansin ang closeness ng dalawa, o talagang hindi niya inasahan na ganito pala ang sitwasyon? Bilang mga babae, kagaya nila ni Ellaine, natural na sa kanila ang tabi matulog at maligo. Pero ang kagaya ng ginawa ng kanyang ina at ng ina ni Caleb? nakakakilabot!"Leona, okay ka lang ba?" nagtataka si Caleb sa kabilang linya.Iniisip niya, kung sasabihin niya sa lalaki ang sitwasyon, pero nasa gitna pa rin ito ng desperasyon dahil sa nangyayari sa buhay nito."Ah--wa-wala.. maayos naman ako.. bakit ka napatawag?" pinigil niya ang kany

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 107

    Nagtataka si Leona nang mapansin ang puting SUV ni Miraflor na naka-park pa rin sa tapat ng kanilang bahay. Dapat ay wala ito roon. May pupuntahan ba ang kanyang ina at ang ina ni Caleb?Hindi natuloy ang lakad nila ni Ellaine. Nagkasakit ito—sipon at lagnat—kaya imbes na tumuloy sa hike na plano nila, nagpasya siyang umuwi na lang nang mas maaga kaysa sa inaasahan.Nag-text siya sa ina pero walang reply. Kaya nang makarating siya sa bahay, agad siyang nagtungo sa loob.Tahimik ang kabahayan. Masyado. Kahit ang mga kasambahay ay tila mahimbing na ang tulog. Nilingon niya ang orasan sa dingding—alas diyes y medya na ng gabi.Luminga-linga siya habang inaakyat ang hagdan. Malinis ang paligid. Ni isang kalat o senyales na may tao sa bahay ay wala siyang makita.Napakunot-noo siya."Kung umalis sina mommy, dapat dala nila ang sasakyan," bulong niya sa sarili. "Eh bakit pareho silang nandoon pa sa garahe? imposible naman na mag commute siya."Kinilabutan siya.Hindi niya alam kung bakit, p

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   106

    "Ang arte naman ng babaeng ito," bulong ni Ellaine kay Leona, "sampalin ko kaya to?""Wag, buntis yan. Isa pa, hindi namin matutupad ang plano namin na mabawi ang lahat sa kanya kapag may nangyarig hindi maganda diyan." bulong ni Leona, "Hayaan mo na lang muna siyang mag inarte ngayon. Babagsak din naman siya.""Hindi ko matiis. Kita mo nga ha, sa akin dapat naghahabol ang Edward na yan, pero ano? nasa kanya, at yung si Josh, na kanino naman? nasa kaibigan niya, nakakainis!" asar na asar na sabi ni Ellaine."Kasal na sila.." maiksing sagot ni Leona kay Ellaine."Ha?" nagulat si Ellaine ng marinig iyon, "totoo ba?""Oo, totoo.. nito lang nakaraang linggo namin nalaman. Ang problema, nakuha nila ang malaking shares ng kumpanya at nademote si Caleb bilang isang executives na lang," sagot ni Leona. "Kailangan, bawiin muna namin ang lahat, kaya nagtitiis muna ako ng mahabang panahon, ayokong magpadalus dalos..""Okay lang, sayo, sa akin, hindi. Bakit naman siya pakakasalan ni Edward. Isa p

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 105

    Lumabas si Hannah ng elevator, ang mga hakbang niya ay may bagong liwanag. Parang isang mabigat na kurtina ang naalis sa kanyang balikat, iniwan ang isang pakiramdam ng kalayaan at kapayapaan. Nang makarating sa kanyang opisina, sinalubong siya ng kanyang sekretarya, si Allheyn, na may nag-aalalang mukha."Ma'am, okay lang po ba kayo? Mukhang pagod na pagod po kayo," anito, "gusto niyo po ba ng kape or juice?"Ngumiti si Hannah, isang tunay na ngiti na matagal na niyang hindi nararamdaman. "Okay lang ako, Allheyn, salamat sa pag aalala. Pahingi na lang ako ng juice, nakalimutan mong bawal sa akin ang kape, dahil buntis ako.""Oo nga po pala.." nakangiting sagot ni Allheyn, "sige po, kukunin ko na ang juice niyo.."Umupo siya sa kanyang swivel chair, at pinagmasdan ang tanawin mula sa kanyang malaking bintana. Ang lungsod ng Maynila ay nag-uumapaw sa buhay, isang kaibahan sa guho ng kanyang nakaraan. Naalala niya ang mga panahong puno ng luha at paghihirap, ang mga araw na ginugol niya

  • Love and Contract: Marrying A Mysterious Hot Billionaire   Chapter 104

    Bagsak na ang katawan ni Caleb ng muling makita ni Hannah sa opisina. Maayos na ang hitsura nito, pero namayat ng sobra."Hannah," nakangiti nitong bati sa kanya."Bakit?" tanong niya sa lalaki."Hannah, baka maaari tayong mag usap.." "Sorry, wala akong oras," sagot niya saka nagmamadaling sumakay ng elevator. Sinundan siya ni Caleb doon, at dahil nga maaga pa lang, sila lang ang tao sa elevator."Kumusta ka na?" tanong ng lalaki sa kanya."Maayos naman ako.." maiksi niyang sagot."Hannah, alam kong mahal mo pa rin ako, maaari naman tayong magbalikang muli. Iwanan mo na ang Edward na iyon, sumama ka na sakin.."pakiusap ni Caleb."Nasa iyo na ako noon. Buong buo, walang kahati.. niloko mo ko, binastos at ipinagpalit. Ngayong masaya na ako, buo na ako, nais mo na naman akong durugin? Napakahirap buuin ng piraso ng buhay ko, Caleb, kaya pwede ba, hayaan mo na akong mamuhay ng tahimik!" inis na sagot ni Hannah.Tahimik si Caleb sa loob ng elevator. Tila tinamaan siya sa bawat salitang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status